39

192 13 3
                                    

Nicholas' Point Of View.

"Anong nangyari dyan?"

Tanong ko kay Mael pagkatapos kong tanggalin ang upos ng sigarilyo ko at ilagay 'yon sa Ashtray. Matagal na 'kong tumigil sa paninigarilyo ngayon nalang uli dahil parang namiss ko lang. 'Yun kase ang hobby namin noon.

Itinigil ko na 'yon dahil dahil kay ayaw ni Astrid na nakikita kaming naninigarilyo at ayoko rin namang makita ako ng anak ko. Sinubukan ko lang sya uli kanina, hindi ko pa nga naubos dahil dumating na si Astrid.

"Wala 'to." Simpleng sagot nya. Saglit akong napatitig sa kamao nyang nababalutan ng puting bimpo. Hindi naman ako tanga para maniwalang 'Wala lang 'yon' may bakas pa ng dugo sa gilid ng bimpo at mukhang sariwa pa ang nangyari dun.

Mukhang napag-buntungan nya ng galit ang pader.

Nandito pa rin kami headquarter hanggang ngayon. Hinihintay kase namin ang go cignal ni Boss sa susunod na gagawin.

Si Abby, bantay sarado sya nila Astrid at Paris.

Tinapik ko sa balikat si Mael nang maupo sya sa kahoy na upuan sa gilid ko. Kasalukuyan lang akong nakamasid sa paligid habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

"Sa panahon talaga ngayon mahirap nang magtiwala lalo na sa mga taong bigla bigla nang darating sa buhay natin na aakalain mong nagkataon lang, pero hindi naman pala. Dumating lang sila para lokohin at paglaruan tayo. But who the fvck knows? Kung sa bawat pag-ngiti nila aakalain mo talagang hindi sila gagawa ng masama sayo." Sarkastiko akong napatawa. "Ayoko nang dagdagan pa ang galit sa puso mo, pero may inamin pa si Abby kanina no'ng umalis ka,"

Nakatitig ako sa kanya habang sya ay nakababa ang tingin, "Ano.."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sya sagutin. "Sila ni Abby at Trisha ang bumangga sa inyo ni Yessie."

Mabilis syang nag-angat ang tingin at kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga dahil sa galit. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Ani nya na parang hindi makapaniwala.

"Isa si Trisha sa mga bumangga sainyo ng kapatid mo 2 years ago. 'Yung taong nag-alaga sayo, 'yun ang dahilan-" Hindi ko na naituloy dahil sa biglang nyang pag-sigaw.

"Tama na!" Napansin ko ang panginginig ng kamao nya. Nagbaba uli sya ng tingin at ilang minutong katahimikan ang bumalot sa paligid bago sya muling magsalita. "Mahal ko sya, Mahal ko na sya." Sabi nya gamit ang mahinang boses. Bakas ang sakit do'n. "Hindi ko na alam ang gagawin ko oras na magkita kami. Ayoko pa, hindi pa 'ko handa."

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumaan sa harapan namin sila Luhan at Nygel.

"Aalis kami," Walang emosyong sabi ni Luhan nang huminto sila, bumaling sya kay Mael. "Alam ko na kung sino ang kumuha ng pera ko." Naramdaman siguro ni Mael ang tingin ni Luhan kaya nag angat sya ng mukha. "Grabe 'yung nurse mo, hindi lang mamamatay tao, magnanakaw pa."

Napatayo si Mael. "Anong ibig mong sabihin?"

Humakbang ako unti palapit sa kanila. "Si Trisha ang nagnakaw ng pera mo?"

Si Nygel ang sumagot, "Unfortunately."

"Huwag mo syang sasaktan." Ani ni Mael nang Hindi umimik si Luhan. "Ipaubaya mo na sya sa akin."

Ngumisi si Luhan bago sagutin si Mael. "Huwag kang mag-alala, hindi ako nananakit ng babae." At nauna nang maglakad paalis.

Nahagip ng mata ko ang nakasuksok ng baril sa tagiliran nya, "Luhan!" Akmang hahabulin ko sya pero mabilis na humarang si Nygel.

"Ako ang bahala sa kanya, walang dugong lalatak sa sahig ngayong gabi." Tinapik pa 'ko ni Nygel pagkatapos nyang sabihin 'yon, "Huwag kayong aalis kailangan kayo dito." Dagdag pa nya nang sulyapana nya si Mael at sumunod na kay Luhan.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon