14

253 8 8
                                    

"Oh? kamusta na si yess-"

[Hoy! Nasaan ka ba ha? Bakit ganito itsura ng office mo, tangina, bakit may dugo sa sahig?!] Bungad nya nang sagutin ko ang tawag nya. Hindi ko alam kung galit ba 'to o nag-aalala. [Tinatawagan kita kagabi, hindi kapa umuwi sa unit mo, ano bang nangyari sayo?!] Parang jowa ko lang na nag-aalala sakin.

"Wala, ayos lang ako. Pakilinisan nalang dyan sa office ko. Ska pakisabi kay boss na hindi ako-"

[Ano ngang nangyari sayo?! Nasaan ka?! Pupuntahan kita ngayon!] Ang kulit naman talaga. [Hoy, paris ha! Anong dugo 'to ha?! Nakipag make love kaba kaya-]

"Shut up, dipshit!" Ayun talaga ang unang pumasok sa isip nya? "I was stabbed last night-"

[ANO?! HAYOP KA ANONG GINAWA MO?! GAGO, AYOS KA LANG BA?! ISEND MO SAKIN KUNG NASAAN KA, PAPUNTA NA 'KO!] And he ended the call.

Napasapo ako sa ulo ko. Pupunta sya dito? Hindi pwede. Siguradong aasarin nya lang ako kapag  nalaman nyang nasa bahay ako ng isang babae.

Umaga na ngayon at kagigising ko lang nang tumawag sakin si luhan. Medyo ayos na ang sugat ko. May pinainom din sakin si abby na gamot na pampamanhid para 'di ko gaanong maramdaman ang sakit. Pinahiram nya rin ako ng damit, medyo maliit pero ayos lang din.

Hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit nya 'to ginagawa sakin. Siguro dahil may kailangan sya, hindi naman kami magkaibigan. Kaya bakit sya agad magtitiwala sakin? Dinala nya pa 'ko dito sa bahay nya.

Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na mangulit si luhan, tinext ko na sya na ayos lang ako, huwag na syang pumunta. Pero alam kong makulit sya kaya tatawag at tatawag 'yon para alamin kung nasaan ako.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi malaki ang bahay nya hindi rin maliit. Malinis din at mukhang bago pa ang mga furnitures.

"Good morning. How's your feeling?" Nagulat pa sya nang makita akong papalit sa kusina. Hinahanap ko ang cr. "Is your wound bleeds again?" Pinihit nya ang kalan at lumapit sa akin.

Umiwas ako ng tingin, "Hindi na. Nasaan ang cr?" Tanong ko.

"Uh! there," Turo nya sa pintuan sa gilid ng ref. "Kaya mo ba? do you want me-"

"Ush! Huwag mo nga akong hawakan!" Hinawakan nya kase ang braso ko para alalayan, hindi ko alam pero parang nakukuryente ako kapag ginagawa nya 'yon. Tangina.

Nakaramdam ako ng kunting guilt nang magtama ang mga mata namin, "Oh, sorry." Umiwas nalang ako ng tingin at dumiretso nalang sa cr.

Pagkatapos kong mag-hilamos ay lumabas na 'ko. Kailangan ko nang umalis. Nakita ko syang nakaupo na sa kitchen table, may mga nakahain na 'ding pagkain dun. Nakita ko ang polo ko na nakatupi sa ibabaw ng couch, malinis na. Kinuha ko 'yon at pumasok uli sa guest room para suotin 'yon. May punit sya dahil sa saksak, pero ayos na rin atleast wala nang dugo. Kinuha ko na rin ang phone ko na nasa side table at ska lumabas.

"Are you leaving na?" Tanong nya nang makalabas ako.

I nodded. "Salamat." Pagkasabi ko non ay dumiretso na 'ko sa pintuan, pero napatigil ako nang habulin nya 'ko at hawakan sa braso.

"Wait, do you want to eat breakfast first?" Inis kong tinanggal ang kamay nya sakin.

"Ano bang kailangan mo?" Seryoso kong tanong sa kanya, nagulat pa sya dun. "Bakit ba ginagawa mo 'to lahat sakin? Hindi naman tayo magkaibigan."

"W-what? Is it wrong to help someone? Do we need to be friends ba para tulungan kita?" Seryoso na rin ang tono nya ngayon, bahagya akong natigilan. "Do you really think i helped you because i need something from you? I didn't even think of that. I helped you because i want to help you! That's all."

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon