12

262 11 5
                                    

"Shush.. They'll be fine,"

Inayos ni austin ang buhok ko sa likod at niyakap uli ako, trying me to calm down."I called the doctor i trusted there already , she will be the one who take care of them." Dagdag nya.

Kanina pa 'ko umiiyak dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang tumawag sa paisley sakin hindi na 'ko mapalagay sinabi ko agad kay austin na umuwi na kami sa pilipinas, nauna na kami ni austin at ni luhan dahil gusto ko nang makita 'yung mga kapatid ko. Hindi ako mapakali, nanginginig na 'yung mga kamay ko.

"Nawala lang ako saglit, tapos ganito na nangyari." Kung pwede lang mag-teleport papunta sa hospital ginawa ko na kanina pa. "Hit and run?! sinong walang pusong gagawa nun?!" Kasabay ng paghikbi ko ang pagsikip ng dibdib ko kasama narin dun ang pagkainis, galit at takot.

Isang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon sariwa parin sakin ang mga nangyari nun, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, "We'll find out why it happened, stop thinking such things, calm down, hon. Everything will be fine."

Pagkalapag palang namin sa pilipinas ay dumiretso na agad kami sa hospital. Nakita ko sila mama at papa sa labas ng ER, inaalo ni papa si mama. Si kuya yohan naman nakaupo sa gilid ng pinto ng ER habang nakatakip ang mga kamay nya sa mukha nya, agad tumayo si paisley nang makita nya kaming papalapit.

"Kamusta na sila?" Tanong ko agad sa kanya.

"Hindi pa alam e," Pagkasabi nya nun ay saktong may lumabas na doctor. Agad kaming lumapit sa kanya.

Yumuko pa ang doctor kay austin nang makita nya 'to,  bago bumaling uli sa amin nila mama. "Unfortunately, both of them were injured, mabuti at nadala nyo agad sila dito bago pa sila maubusan ng dugo. They were still unconcious and under monitoring." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yon.

"Salamat doc," Sabi ni mama, doctor just nodded at her before smiled to austin and walked away.

Inilipat na sila yess at kuya mael sa isang private room na ni-request ni austin. Magka-iba pa sila ng room. Sa isang kung nasaan si kuya mael nandun sila kuya yohan at mama, si papa umuwi muna para kumuha ng mga gamit nila yess at kuya. Si paisley umuwi narin para makapagpalit ng damit dahil naka uniform pa sya, Samantalang kami nila austin at luhan, nandito sa room ni yess.

Sabi ng doctor hintayin nalang daw namin silang gumising, "Yess, gising na," Pinunasan ko agad ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko, hawak-hawak ko ang kamay nya, habang pinagmamasdan ang kalagayan nya. May bandage ang ulo nya, maraming galos sa magkabilang braso hanggang sa tuhod nya pati sa kaliwang pisngi may gasgas din, sabi ng doctor hindi naman masyadong malala ang pagkakabangga sa kanila at naidala agad sa hospital. Ganito rin ang kalagayan ni kuya mael ngayon. "Miss ko na 'yung ingay mo. Miss kana ni ate. Please, gumising kana oh."

First time mangyari to sa kanya kaya nag-aalala talaga ko, kay kuya mael din, halos buong buhay nya nasa hospital sya. Hindi ko talaga maiwasang mainis, magalit sa gumawa nito sa kanila.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko sa tabi ni yessie, nakaupo ako sa tabi ng bed nya at nakaunan naman ako sa kama nya, si austin nakaupo sa couch sa likuran ko, inaalok nya 'ko ng tubig at pagkain, pero tubig lang ang kinukuha 'ko, wala akong ganang kumain.

Si luhan, nasa kabilang side ni yessie, nakayuko sya at nakahawak sa isang kamay ni yess, tulog.

"Yuna, anak, umuwi ka muna," Ngayon ko lang napansin si mama kung hindi sya lumapit sa akin. "Sumabay kana sa kuya yohan mo, siguradong pagod ka sa flight." Dagdag pa ni mama, nag-aalala. Tumayo si austin at lumapit sa amin.

"I'll take her home, Mrs. Finlay." Magalang na sabi ni austin. Tumango si mama at hinalikan ako sa ulo.

"Sige na anak, kami muna ang bahala sa mga kapatid mo." Wala na 'kong nagawa, tumango nalang ako at hinalikan rin si yess sa noo nya. Alas dos na pala ng madaling araw.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon