Special Chapter: The Heirs and Heiress

401 15 16
                                    


Auzrell's Point Of View.

"You don't have to do that. I can handle myself."

Napatingin kami sa gawi ni Archean na tulad namin ni Alistair ay inaayusan din ng babaeng nasa mid-30's na ang edad. Binayaran sila nila Mommy para ayusan kami. Ngayong araw kasi ang 21st birthday naming tatlo at gaganapin na ito mamaya.

"Let ate do her job, Archean." Kalmadong sabi naman ni Alistair na inirapan lang ni Archean.

"Bro, subukan mo kayang ngumiti. Today's our birthday 'tsaka tignan mo si ate, oh. Natatakot sa awra mo." Halatang-halata kasi sa kaniya ang pagka-iritado niya. Para tuloy siyang isang babasagin na ayaw mabasag ni ate kung ayusan.

Wala naman kasing hilig si Archean sa mga ganito puro lang 'yan aral at basa ng mga libro. Kung siya nga ang papipiliin hindi na 'yan mag ce-celebrate ng birthday niya pero dahil wala siyang laban kay Mommy, He have no choice but to celebrate Our 21st birthday.

"How about you try to shut that mouth of yours?" Suplado niyang sabi.

"Gagalit ka?" Eksaherado kong sabi at humawak pa sa dibdib ko. Napailing-iling na lang saming dalawa si Alistair. Nabaling naman ang atensyon namin sa pinto ng bumukas ito at iluwa ang sobrang ganda naming Mommy.

Nginitian niya kaming lahat bago tuluyang pumasok. Sakto namang tapos na kaming ayusan nila ate kaya nagpaalam na sila at umalis.

"How are my sons?" Nakangiting tanong ni Mommy pagkalapit niya sa amin.

"We're fine po, Mom." Magalang na sagot ni Alistair.

"Ayos lang naman po kami kahit hindi maipinta 'yong mukha ni Archean." Pagbibiro ko. Pinukol naman ako ng masamang tingin ni Archean habang sila Mommy at Alistair ay bahagyang natawa.

"As expected." Natatawang sabi ni Mommy. Napabuntong hininga naman siya ng matapos na siyang tumawa. "Hays, I can't believe. 21 na kayo, ang bilis ng panahon. Ang tatanda niyo na." Napangiwi naman kami sa narinig.

Makatanda naman 'tong si Mommy 'kala mo 61st birthday na namin 'to.

"We're just 21, Mom." Disgustong sabi ni Archean. Napatawa naman si Mom sa reaksyon namin.

"Still old for me." Napailing-iling na lang kaming tatlo. "Ang guguwapo talaga ng mga anak ko." Pambobola naman ni Mommy. Pero guwapo naman talaga kami. #Facts.

"Small things." Pag-bibiro ko na ikinatawa naman ni Mommy.

"Of course, they're handsome. I'm not their father for nothing." Nabaling ulit ang atensyon namin sa pintuan nang pumasok si Daddy kasama si Elcid. Pabirong inirapan naman ni Mom si Dad.

"Kayabangan mo Austin Luke De Villa." Natatawang nilapitan ni Dad si Mom at niyakap ito mula sa likuran.

"Elcid is pretty too like you, right?" Malambing na sabi ni Dad at hinalikan pa si Mom sa balikat. Really Dad? Right in front of my pancit canton? Ay wala pala akong pancit canton.

"Anyway, let's go. Nandiyan na sila Tita Yessie and Tito Luhan niyo along with their twins." Sabi ni Dad at nauna na silang lumabas ni Mom.

"Sumunod kayo, ah." Pahabol pang sabi ni Mom. Sunod namang lumabas si Archean, walang balak sumabay sa 'min.

"Hey, little sis, what's up?" Panggugulo ko naman sa bunso naming kapatid at inakbayan pa ito habang naglalakad kaming tatlo. "Ganda mo, ah." Inirapan niya lang ako at inalis ang braso kong nakaakbay sa kaniya.

"No need to bola me, kuya. May regalo ako sa 'yo." Medyo mataray niyang sabi at na una nang maglakad.

"Yon, oh!" Biro ko at sumipol pa. Napailing-iling naman siya habang naglalakad. Natatawang binalingan ko naman si Alistair na busy sa phone.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon