41

201 13 22
                                    

Trixie Shaina's Point Of View.

"Yessie."

Halata sa mukha nya ang pagkagulat nang makita ako sa harap ng kwarto nya. Bumaba ang tingin nya sa Envelope na hawak ko.

"Ate trish, akin 'yan!" Sunubukan nyang kunin sa akin pero mabilis ko 'yung itinaas paiwas sa kanya. "Ate, ibigay mo sa akin 'yan!"

"Ano 'to?" Seryoso kong tanong sa kanya, "Alam ba 'to ng mga magulang mo? Ng mga kuya mo? Ni mael? Yessie, I'm asking you! What," tumingin ako saglit sa hawak ko at ibinalik ang tingin sa kanya, "What's this?! Bakit ganito? Kailan pa 'to?!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Hawak ko ang isang envelope kung saan nakalagay ang kalagayan nya ngayon.

She has an Acute myeloid leukemia!

Ganon din ang naging sakit noon ng mama ko, 'yun ang kinamatay nya.

Flashback..

"Mama, bakit po lagi kayong nakahiga? Ayaw nyo po bang makipaglaro sa amin?"

Nahihiwagaang tanong ko kay mama habang nakahiga sya sa malaking kama nila ni papa.

I'm just 9 years old at ako na ang gumagawa ng mga gawing bahay kahit si mama naman talaga ang dapat gumagawa no'n. Ilang buwan na ang lumipas simula nang magkulong sya dito sa kwarto, namamayat narin sya at laging nilalagnat.

"Oo nga po mama, bukas na po ang family day sa school namin, makakasama po ba kayo ni papa?" Tanong naman ng kakambal kong si Theodore na nasa kabilang side ni mama.

Ngumiti si mama sa amin at inabot ang mga buhok naming dalawa para hagurin. "Pasensya na kayo ha, may sakit lang talaga si mama. Baka hindi ako makasama, baka ang papa nyo lang ang makapunta." Napansin ko ang panghihina sa boses ng mama ko.

"Kailan po ba kayo gagaling ma? Bakit po ayaw nyong magpadala sa hospital?" Kung sa akin lang hindi mahalaga sa akin ng family day namin aa school. Ang inaalala ko ay si mama. Ayaw ko 'ding iwan namin sya dito habang kami ay nagsasaya.

Narinig ko sila kagabi na nag-aaway ni papa. Gusto ni papa na dalhin na si mama sa hospital pero ayaw ni mama dahil hindi na daw sya gagaling. 'Wala na 'kong pag-asa' iyan ang paulit-ulit na sinabi ni mama.

"Huwag nyo na 'kong isipin, magiging okay rin ako." Sabi ni mama sa aming dalawa ng kambal ko.

"Mama, may dugo!" Biglang sigaw ni Theodore habang nakaturo sa ilong ni mama na ngayon ay dumudugo.

Kumuha agad ako ng tissue at binigay kay mama,nagsimula na akong kabahan. "Theo, tawagin mo si papa, dali!" Utos ko sa kanya. "Mama, tumingala ka po." Inalalayan ko si mama, nahawakan ang kamay nya at sobrang init nya. "Mama, ano pong nangyayari?" Naiiyal kong tanong dahil bigla nalang syang nanginig at nangisay. "Mama! Theo! papa!"

Ilang minuto ang lumipas na puro pag-iyak lang ang nagawa ko hanggang sa makasakay kami sa ambulansya. Nakahiga na si mama sa stretcher. Nasa magkabilaan kami ni papa, katabi ko naman si Theodore na umiiyak na rin.

"Mahal, malapit na tayo, lumaban ka!" Pakiusap ni papa kay mama.

Sobrang naninikip ang dibdib ko at naginginig ang mga kamay ko sa kabang nararamdaman. "Mama,"

"H-huwag.." Pinilit ni mama na makapagsalita. "M-mong pababayaan ang mga a-anak.. Natin." Dahan-dahang bumaling samin si mama. "M-mahal na mahal kayo ni mama." At tuluyan nang pumikit ang mga mata nya.

Parang tumigil ang lahat sa paligid nang mga oras na 'yon. Para akong paulit ulit na sinasaksak habang pinapanood ang unti-unting pagkaputol ng hininga ni mama.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon