37

180 12 3
                                    

Paris' Point Of View.

"Anong nangyari sa mukha mo, ba't parang natatae ka at pinipigilan mo lang?"

"Ganyan naman talaga ang mukha nya." Ani ni Nicholas habang nagtataka akong nakatingin kay Luhan. He just came here in my office from somewhere. Pagdating nya palang ay busy na sya agad sa kakatipa sa phone nya.

Parang walang narinig si Luhan at panay parin ang pagpindot sa cellphone nya. Bumaling nalang uli ako sa mga pinipirmahan kong papeles pero napunta ang atensyon ko sa cellphone na lumipad sa Glass sliding door 'di kalayuan sa amin. Luhan's phone was now broke.

Napatayo ako at nagkatinginan kami ni Nicholas. Napahilamos sa mukha si Luhan at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. "Mga walang silbi! Hanggang ngayon wala pa rin silang balita kay Yessie?! Anong klaseng mga Detective 'yan?!" He yelled. "Bawat araw na hindi ko sya nakikita para na 'kong mababaliw!" Napaawang ang lapi ko nang bigla nyang sipain ng center table na nasa harapan nya. "Tangina naman oh! Kailan ba matatapos lahat ng paghihirap ko?! Naayos na nga ang pamilya ko, tapos sya naman 'tong nawawala!"

Nicholas approached him, "Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap." He told to Luhan, "Hayaan mo muna syang makapag-isip isip-"

"Makapag-isip isip?!" Luhan suddenly shouted. "Ang tagal nya nang nawawala, halos magdadalawang linggo na, maski pamilya nya hindi alam kung nasaan sya! Hindi na 'to tama. May mali na." Ipinatong nya ang mga siko sa tuhod at umaktong nag-iisip. "Kinuha ko 'yung sulat na iniwan ni Yessie noong mawala sya, ngayon ko lang napansin na.. Iba ang sulat no'n. Hindi kay Yessie galing ang sulat na 'yon." Kwento nya.

Humakbang ako palapit sa kanila. "What does it mean? Yessie wasn't the one wrote that? At sino naman sa tingin mo ang gagawa no'n para palabasin na kusang umalis si Yessie?" I asked out of curiousity.

"Si Trisha." He blurted out. "Napansin ko na ang mga galaw at pananalita nya no'n. Sya rin ang nakakita ng sulat." Luhan turned to my direction. "Paris, Si Trisha at Abby may masama akong kutob sa dalawang 'yon at alam kong alam mo kung ano talaga ang tunay na pagkatao ni Abby." He said directly makes me stopped for a moment. "Don't you dare to deny it, Sa ating apat ikaw ang may pinakamalakas na pakiramdam sa mga kalaban. Oras na malaman kong may kinalaman si Trisha sa pagkawala ni Yessie, hinding-hindi ko sya palalagpasin kahit babae pa sya." His voice was full of determination. "Now tell me, anong plano mo kay Abby? Bakit hindi mo masabi sa amin na isa syang Traydor?"

"Sandali! Sandali!" Nicholas intruded. "Hoy, Luhan, sigurado ka ba sa mga pinagsasasabi mo?" He glanced at me. "Totoo ba 'yon? Si Abby, traydor? Ano? Hindi ko maintindihan, pucha! Ba't hindi ko 'to alam?"

I let out a heavy sigh before spoke, "Yeah. I knew everything about Abby. Noong nasaksak ako sa opisina ko at dinala nya 'ko sa bahay nya. Nakutuban ko na sya no'n. Patago kong hinack ang cellphone nya at kinuha lahat ng information na mayroon sya. At hindi ako nagkamali, kabilang sya sa isang Mafia Org."

"So, matagal mo na palang alam?" Halata ang inis mukha ni Nicholas. "Tapos hindi mo sinabi sa amin? Hinayaan mong makasama natin ang babaeng 'yon?"

"Can you please let me finish my sentence first?" I glared at him. He just hissed. "She was planning to get my trust. That's her goal. Hinayaan ko syang gawin ang mga gusto nya nang hindi nya nalalamang sya na ang pinaglalaruan ko. Alam kong nang hindi talaga namatay si Yuna, two years ago. Sinundan ko no'n si Abby at nakita kong kasama nya si Trisha at isa pang lalaki. Kitang-kita ko kung paano nila pinagpalit ang bangkay at ang katawan ni Yuna sa taxi." I confessed. 

Napamura ng malakas si Luhan, "Alam mo?!" Sigaw nya sakin at bigla akong kwinelyohan. "Alam mong buhay talaga si Yuna pero hinayaan mong maniwala kami na patay na sya?!" Nagtatagis ang mga bagang nya at ramdam ko ang paghigpit ng kamao nya sa kwelyo ko. "Putangina naman Paris! Halos gumuho 'yung mundo ni Yessie nang malaman nyang nawala ang Ate nya, halos mawalan na sya ng luha sa kakaiyak! Walang araw na hindi nya iniisip ang pagkamatay ng Ate nya, Halos hindi na sya nakakain ng maayos, halos gusto nya nang sumunod sa Ate nya, Tapos putangina malalaman kong alam mo na buhay talaga si Yuna at hinayaang mong magdusa ng ganoon si Yessie?!"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon