44

224 16 17
                                    

Yohan's Point Of View.

"You'll be the one who handle the entrance, Yohan."

Tumango agad ako sa In-assign sa akin ni Austin. "Anong gagawin ko sa entrance?"

"You have the big role in this plan, do your best. You have to be careful not to be caught." Wika nya. Mataman akong nakikinig sa kanya, na-curious ako sa kung ano ang role na 'yon na hahawakan ko.

Tumango uli ako. "Sige, makakaasa ka. Ano ba 'yong gagawin ko?"

Imbis na sagutin ako ay sumenyas ang mukha nya papunta kay Paris. "He will give it you the things you'll needed. I'll explain it to you later."

Nagsalubong ang tingin namin ni Paris. Para kaming nagtatanungan sa isa't-isa. Parang hindi nya alam ang pinag-uusapan. Mukhang lumilipad ang isip.

Pekeng umubo si Paris bago magsalita. "Ah, Oo."

Magtatanong pa sana ako nang biglang may magsalita. "Woah! Late na ba kami?" Abot tainga ang ngiti ni Nygel habang papalapit sila sa amin ni Rea.

Nakaakbay pa sya rito at parang walang problema. Siguro nga, wala na syang problema kasama nya na ang pinakamamahal nyang babae e. Sana lahat.

Kamusta na kaya si Paisley? Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap. Mine-message ko lang sya para kamustahin at sabihing ayos lang ako dito, hindi ko sinasabi ang problema na nangyayari dito baka mag-alala pa sya at biglang umuwi dito sa pilipinas. Makulit pa naman 'yon.

"Alexa! You're back!" Mabilis na nilapitan ni Astrid si Rea at niyakap. "I missed you so much, where have you been?"

"Dyan lang, sa tabi tabi hehe!" Sagot ni Rea nang magkalas ang dalawa.

"Nagp-plano na kami dito, nasaan si Luhan?" Baling ni Paris kay Nygel na naupo sa tabi nya. Si Astrid naman ay inakay si Rea sa sofang inuupuan nya kanina.

Umiling si Nygel, "Hindi sya sumama, kase," Napunta ang tingin nya sa amin ni Mael. "Ano, uhm," Bumaba ang tingin nya at parang nag-iisip pa ng sasabihin, "Uhm, kailangan nya kaseng.."

"Kailangan nyang?" Naguguluhan kong tanong sa kanya dahil iba ang tingin nya sa akin kanina.

"Spill it, Nygel. What's wrong?" Astrid.

"Bilisan mo, nagpa-plano kami dito. Nasaan si Luhan?" Singit naman ni Aaron.

Umangat ang tingin ni Nygel at halata sa mukha na naguguluhan kung sasabihin ba nya o hindi. "Uhm, kailangan nyang bantayan si.. Uhm, Si ano kase-"

"Say it! Bullshit!" Biglang sigaw ni Austin.

Halos mapatalon sa gulat si Nygel. "Si Yessie. Kailangan nyang bantayan si Yessie."

Natigilan ako sa narinig. Tinitigan ko si Nygel na nakatingin sa amin ni Mael ngayon. Hinuhinuwa kung ano ang reaksyon namin.

"Anong sabi mo? Si Yessie? Alam nyo kung nasaan sya?" Sunod-sunod kong tanong at lumapit kay Nygel. "Nasaan si Yessie?"

Sumunod rin sakin si Mael. "Bakit hindi nyo sya kasama? Anong babantayan? Bakit babantayan ni Luhan ang kapatid ko?"

"Ah, sandali!" Hinarang nya ang dalawa nyang kamay sa harap namin. "Isa-isa lang."

"Sagutin mo na!" Naiinis na 'ko, binibitin nya. "Nasaan si Yessie?"

Ilang linggo na nung umalis si Yess sa bahay, hindi na bumabalik. Nagtataka na kami dahil hindi naman nya ugaling umalis ng bahay ng ganoon katagal.

Huminga muna sya ng malalim bago magsalita. "Si Yessi, Trisha at Rea, magkakasama sila." Pangunguna nya. "May sakit ang kapatid nyo, malala, sila Trish ang nag-aalaga sa kanya. 'Yung kumuha ng pera ni Luhan sila Trish 'yon para sa pampa-opera ni Yessie-"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon