20

227 10 4
                                    

Luhan's Point Of View.

"Sorry talaga luhan,"

Sinulyapan ko si yessie na nakaupo sa sofa habang kandong ang aso naming si lussie, binigyan ko sya ng ngiti habang ang mga kamay ay nasa keyboard ng computer, "Ayos nga lang, haha! Tatapusin ko lang 'to at ihahatid na kita." Sabi ko sa kanya at binaling uli ang atensyon sa computer ko.

Buti nalang talaga at may mga copies dito sa computer at kailangan ko nalang ayusin at print uli. Tinulungan nalang din ako ni nygel, buti nalang at hindi pa tumatawag si boss para ibigay ito sa kanya.

5pm na nung umalis si nygel pagkatapos nya akong tulungan, 5:30 na ngayon at kailangan ko na talagang madalian dahil ihahatid ko pa si yessie. Sumulyap ako kay yess na ngayon ay tahimik na nakayuko habang niyayakap si lussie. Malungkot. Kanina pa sya ganyan.

Natapos ko na ang ginagawa ko at in-off na ang computer, nilagay ko sa isang folder 'yung prinint ko, lumapit ako sa kanya at tumabi. "Ayos na oh!" Pinakita ko sa kanya 'yung folder, "Huwag ka nang malungkot. Okay nga lang hahahaha!"

Alam ko naman na nag-guilty sya dahil sa nangyare, pero ayos lang naman. Hindi naman big deal 'yon. Tumingin sya sakin pero malungkot parin ang mukha, "Hindi kaba talaga galit?"

Pinisil ko ang pisngi nya, natatawa. "Hindi nga. Ayos nga lang, kalimutan mo na 'yon." Ginulo ko pa nga buhok nya.

Hindi ako nakatanggap ng sagot, isang yakap ang bigla kong natanggap sa kanya. "Promise, hindi na mauulit 'yon. Para hindi ka magalit sakin." Saad nya gamit ang mahinang boses. Umayos ako ng upo at nilagay ang ulo nya sa dibdib ko, niyakap ko din sya gamit ang mga bisig ko at hinigod ang buhok nya sa likod.

"Kahit ulit-ulitin mo pa 'yon, hindi ko naman magagawang magalit sayo e." Kase mahal kita. "Tara na iuuwi na kita, baka hinahanap kana sa bahay nyo."

Pero hindi sya gumalaw at nanatili lang sa pagkakayakap nya sakin, "Luhan.." Tawag nya sa pangalan ko.

"Uhm?"

"Kapag ba nawala ako, hahanapin mo ba 'ko?" Bigla nyang tanong na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit mo naman 'yan naitanong?" Tanong ko pabalik, "Syempre naman hahanapin kita."

"Paano kapag nawala na talaga 'ko? Hihintayin mo ba 'yung pagbabalik ko?" Tanong nya uli. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga tanong nya, bakit parang mawawala sya?

Hinawakan ko ang balikat nya at dahan-dahan pinaharap sa akin, "Maghihintay ako, Yess. Kahit gaano pa katagal, hihintayin kita. Kahit saan kapa magpunta hahanapin kita." Kase mahal kita yessie.

Hindi nya na 'ko sinagot pagkatapos kong sabihin 'yon.
Umalis narin kami dahil magaalas-sais na. Gaya ng sinabi ko ay hinatid ko sya sa bahay nya. Nagtaka pa ako nang makita ko ang kotse ni boss Austin sa harap ng bahay nila.

"Kay kuya Austin 'yon diba?" Tanong nya habang tinatanggal ang seatbelt nya.

"Oo, siguro hinatid si yuna." Sagot ko at nauna nang bumaba ng kotse para pagbuksan sya. Ako narin ang kumuha ng stroller ni lussie sa compartment, inilagay ni yess si lussie dun pagkababa ko.

Ako narin ang nagtulak nun, kanina ko pa pinipigilang matawa dito.

"Kung nung una palang ay nalaman naming masama kang tao hindi na namin sana pinagkatiwala ang anak namin sayo!"

Rinig naming sigaw ng mama nila yessie mula sa loob nang makapasok na kami sa gate. Nagkatinginan kaming dalawa. Gumuhit ang pagtataka samin, lumakad na uli kami patungo sa pintuan nila.










I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon