07

316 10 2
                                    

Ysmael's Point Of View.

"Elite!"

Kakababa ko palang ay narinig ko na agad ang sigaw ni kuya yohan sa sala. Pinuntahan ko sya dun at naabutan kong diring-diri sya habang pinagmamasdan ang sapatos nya, maiinit nanaman ata ang ulo. "Anong meron sa sapatos mo kuya?" Tanong ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng kape. Papasok na 'ko sa trabaho ko ngayon.

"Yung loob ng sapatos ko may tae ng aso!" Halatang-halata sa boses nya ang inis. "Elite! bumaba ka nga dyan!" Sigaw nya uli sa pangalan ni yuna. Napailing-iling nalang ako.

"Ano ba 'yon kuya? Ang ingay-ingay mo naman e, kausap ko si austin sa phone!" Sigaw rin ni yuna nang makalabas sya sa kwarto nya, masama ang loob dahil naistorbo. Maaga atang pumasok si yessie kaya si yuna lang ang pagbubuntungan ng galit ngayon ni kuya.

"Saang galing 'yang tanginang aso 'yan?" Turo ni kuya dun sa tutang natutulog sa sofa naka unan pa, sarap buhay. Uminom ako sa kape ko habang pababa si yuna, inaabangan ang susunod na mangyayare. "Tumae sa sapatos ko!"

Galit na galit si kuya yohan, mahal mahal nya kase ang mga sapatos nya. Yung aso nga namin na si bogart dati nginatngat yung sapatos nya ayun binitay ni kuya sa kisame ng isang oras. Si yessie naman pinakain ng vitchin kaya namatay. Halatang maaalaga talaga sila sa hayop.

"Kay yessie 'yan bigay sa kanya ni luhan." Masama sa loob na sagot ni yuna. "Yan lang ba itatanong mo? kausap ko pa si austin-"

"Puro ka austin, pagbuhulin ko kayo e, linisin mo 'tong sapatos ko, itatapon ko 'yang asong 'yan!" Kumagat ako sa bacon na nakahain sa harapan ko habang pinapanood parin sila.

Pumula 'yung mukha ni yuna dahil sa galit. "Ayoko nga! Kadiri. Sige itapon mo na 'yang aso." Sagot ni yuna kaya mas lalong nagalit si kuya. "Wala ka bang kamay?!"

"Hindi ako nagbibiro elite, tatapon ko 'yan!" Tumayo na 'ko nang sabihin 'yon ni kuya. Lumapit ako dun sa tuta at binuhat kawawa naman e baka makasuhan na kami ng animal abuse.

"Tama na 'yan, Yuna, linisin mo na 'yang sapatos ni kuya dali na para makapag-usap na uli kayo ni austin." Padabog na kinuha ni yuna 'yung sapatos ni kuya yohan para linisin. Yung tuta naman hinahalik-halikan na 'ko, inaabot 'yung mukha ko dinidila-dilaan.

Pumunta naman uli ako sa likod ng bahay para ilagay 'yung tuta sa loob ng washing machine. Masabuti nang nandito sya baka maitapon pa sya ni kuya e. "Dyan ka muna ha. Babalikan kita mamaya." Sabi ko sa tuta at hinimas pa ang ulo nyo tumahol pa sya nang talikuran ko na. Malaki 'yung washing machine at maliit sya para makawala dun, hindi ko sinara para makahinga naman.

Pagbalik ko sa loob paalis na si kuya at si yuna naman bumalik na sa kwarto nya. Nauna na 'kong umalis kay kuya.

Nasa punto na ako ng buhay ko na wala na 'kong hihilingan pa bukod sa makaipon at makatapos ng pag-aaral. Kasama ko na uli ang pamilya ko, Tinanggap nila 'ko uli ng buong puso. Pinaramdam nila uli sakin 'yung pagmamahal na siyam na taon kong hindi naramdaman.

Kasalukuyan akong nagpa-part time job ngayon. Para makaipon sa pag-aaral ko. Kaya naman akong pag-aralin nila mama at papa kaso masyadong mahal ang course na gusto ko masyado ring matagal. Kaya gusto kong mag-ipon para naman makatulong sa magulang ko at para sa sarili ko na rin.

"Ang aga ha!" Bati sakin ng kasamahan ko nang makapasok ako sa coffee shop. Nginitian ko lang sya at dumiretsp na 'ko sa kwarto na para sa aming mga staff lang. Sinuot ko ang uniform ko at lumabas na.

Normal na sa trabaho ko ang maging busy tuwing umaga dahil location ng shop namin ay pinapalibutan ng mga kumpanya kaya maraming mga dumadaan muna dito bago sila pumasok sa trabaho.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon