30

228 10 3
                                    

Kloe's Point Of View.

"Aray ko, sandali!"

Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni yessie pagkabukas ko palang ng pintuan ng dorm ko. Agad nya namang niluwagan ang pagkakayakap nya sa akin. My brows furrowed when i heard her sobs, "Bakit? May nangyari ba?" she didn't answer.

Hinimas ko ang likod nya, "Shush, may problema ba?"

Huminga sya ng malalim nang lumayo sya, iniwas nya ang mukha nya at mabilis na pinunasan ang luha nya pisngi bago bumaling sa akin. Ngumiti ng tipid, parang maiiyak na rin ako nang makita ko ang mata nya. Mga mata nyang punong-puno ng paghihirap. Sakit.

Hinawakan ko sya at inakay papunta sa sala. Umupo kami sa sofa at hinawakan ako kamay nya. "Nag-away ba kayo ni Luhan?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. 'Yun lang ang unang pumasok sa isip ko.

"Wala, hindi. Wala 'to, nagd-drama lang ako haha." Tumawa sya, pero kaibigan nya 'ko at kilalang-kilala ko sya. 'Yung tawang 'yon, isa lang 'yong kasinungalin. Napatitig ako sa kanya ng matagal. Pilit binabasa ang isip nya. Pero ang hirap na. Ang hirap nang basahin ng isip ni Yessie. Puro sakit lang ang nakikita ko sa mga mata nya.

Simula nang mawala si ate Yuna, hindi na bumalik 'yong mga ngiti nya. 'Yung mga tawa nya, 'yung mga biro nya. Hindi na sya 'yung Yessie na nakilala ko noon. Iniisip ko dati na sana magbago na sya, na mag-matured na sya, na mag-seryoso na sya.. Pero hindi naman sa ganito. Lagi nalang sya tahimik. Kapag Hindi mo kinausap, Hindi ka rin nya kakausapin. Hindi na sya 'yung dating advance mag-isip, 'yung hindi nauubusan ng salita. Miss ko na 'yon. Mas gusto ko pa 'yung dating sya, Hindi ngayon na.. Lahat na tinatago nya.

I gave her a small smile too, "Okay, anong ginagawa mo dito?" kakakita palang namin kahapon sa school.

"Uhm.." Nilibot nya ang mga mata nya sa dorm ko parang nag-iisip pa ng isasagot. "Wala naman, gusto lang kitang makita." Sabi nya naman nang huminto uli ang tingin nya sa akin. Sa totoo lang naw-weird-dohan na 'ko sa kanya.

Tumayo ako at nagpaalam na kukuha ng tubig pagkabalik ko tinitignan nya na 'yung mga pictures namin na nakalagay sa frame sa ibabaw side table. Nilapag ko ang baso ng tubig at lumapit sa kanya. "Ito 'yung una nating picture, ang ikli pa ng buhok mo dito." Sabi nya nang maramdamang nasa tabi nya na 'ko.

Nakangiti sya sa first picture namin noong Second year high school kami, kagagaling lang namin sa Christmas Party no'n, terno pa kami ng damit. Parehas kaming nakangiti at naka-peace sign. "Ano nga uli 'yung natanggap mo sa Exchange gift?" natawa ako dahil naalala ko 'yung natanggap nya no'n.

"Undergarments!" Napanguso sya, may sama parin nng loob hanggang ngayon. "Tapos hello kitty pa 'yung designs! Nakakainis parin talaga. Sino kaya 'yung  nakaisip na iregalo 'yon no? Hmp." Pinag krus nya pa ang braso nya sa dibdib.

Natawa uli ako sa reaksyon nya noon, nangagalaiti sya noon at gusto pang itapon. "Tagal na rin nating magkaibigan 'no?" napatigil ako sa pagtawa at tumitig
sa kanya.

"Parang dati lang nakikiusap ka sa akin na huwag kitang isulat noisy," parang ang sarap balikan 'yung araw na una kaming nagkakilala ni Yessie. First year palang kami no'n. In-asign ako ng teacher ko na magsulat ng noisy. Nakakatawa lang kase high school na kami may pagganon pa at halos lahat ng kaklase ko ay maiingay at si Yess ang leader.

"Min, sige na, please!" pinagdikit nya pa ang mga palad nya sa harapan ko, "Wala na 'kong pambiling floor wax. Nagtataka na si mama kung bakit lagi akong bumibili no'n hindi naman ako nagf-floor wax sa bahay." kapag nilista kase sa noisy ay bibili ng floor wax may guhit na ilalagay dun kung ilang beses kang nag-ingay. 'Yung kay Yessie hindi ko na mabilang lagpas isang daang guhit na ata ito.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon