11

235 10 0
                                    

Luhan's Point Of View.

"Nakita kita kahapon may kahalikan kang babae."

Agad akong napaisip sa sinabi nya. kahapon.. may kahalikan akong babae?

Flashback~

"You'll come with me?"

Tumango ako sa tanong nya, "Sakto, susunduin ko rin 'yung sinasabi ko sayo." Pumasok na 'ko sa kotse.

Sumakay na rin sya sa shotgun seat. "Yung.. what's her name again? leslie? halsey?" Napatawa ako ng wala sa oras dahil sa maling pagbanggit nya.

"Yessie." Pagtatama ko.

Napansin kong ngumisi sya sakin pagkatapos nyang isuot ang seatbelt, "So, you're really inlove with that girl, huh?"

"Like how you in love with denise." Nginisian ko rin sya.

He is Luen. Luen Daze Madrigal. My twin brother. We're Identical, actually.

Pagkakaiba namin, mas matangkad ako ng kunti, Kung anong ingay ko 'yun naman ang tahimik nya, Kung anong kakapalan ng mukha ko 'yun naman ang pagkamahiyain nya. Sobrang identical naming dalawa pero syempre mas gwapo 'ko. LOL.

Sa aming dalawa sya ang mas gusto ng parents namin, wala naman akong naging problema dun. Hindi naman ako nagselos kahit nasa kanya lahat ng atensyon ng magulang namin. Ganon din naman sya sakin, lagi nya 'kong kinakamusta since umalis ng bahay namin, Gusto ko kaseng maging independent mamuhay ng mag-isa.

Ngayon lang uli kami nagkita dahil masyado syang busy sa pag-aaral nya. Sya ang dumalaw sakin dahil miss nya na raw ako, hindi ko namalayan na ilang taon na pala akong hindi nakakauwi sa bahay namin. Wala ring alam ang pamilya ko sa mga nangyare sakin.

Pagkarating namin ng school, saktong nag-bell hudyat na dissmisal na nila yessie. "Susunduin ko lang sya room," Paalam ko kay luen. Tumango lang sya sakin at lumabas na 'ko.

Pagkarating ko sa room nila yessie sinubukan ko syang hanapin gamit ang mga mata ko, pero parang wala na sya, "Hey, nasa loob pa ba si yessie?" tanong ko sa isang cm nyang palabas. Napatigil pa sya at napatitig sakin. Akala mo nakakita ng multo. "Hey?"

"A-ah! Wala na po e, sila po ang naunang lumabas ni kloe!" Sagot nya, natataranta pa. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at nagpasya nang bumalik sa parking.

Pagkabalik ko dun, naka-akbay na si luen sa girlfriend nya. "Oh? Nasaan sya, bakit ikaw lang mag-isa?" Tanong nya nang mapansing wala akong kasama.

Hindi ako nakasagot dahil inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, umaasang makikita si yess. Mukhang nagkasalisi kami. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Naghintay pa kami ng kalahating oras, baka bumili lang sila yess sa canteen, or baka may dinaanan lang kaya wala pa sya dito. Hanggang sa mainip na si luen, wala na halos students kami nalang ang naghihintay dito.

"Baka naman nakaalis na 'yon?" Rinig kong sabi ni denise. Napabuntong hininga nalang ako. Tinry ko narin syang tawagan pero hindi nya sinasagot.

End Of Flashback.

"Ah! si denise." Sagot ko sa kanya nang maalala ang mga nangyare nung nakaraan. Nakatitig ako sa kanya ngayon habang sya nakatingin naman sa malayo.

"Denise? Sya ba 'yung girlfriend mo?" Parang gusto kong magpakawala ng malakas na tawa nang marinig ko 'yon mula sa kanya, "M-may girlfriend kana pala.."

"Ofcourse.." Napatakip ako sa bunganga ko dahil natatawa na 'ko. Dahil ba dun kaya sya umiyak? Tangnang tadhana nga naman oh! Kung hindi ko papala sya kinausap ngayon baka masapak nanaman ako ni yohan nang wala sa oras. "Not." Dagdag ko.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon