21

191 11 16
                                    

Nicholas's Point Of View.

"Daddy!"

Tumatakbo syang sinalubong ako, kakapasok ko palang sa bahay ni boss ay alam nya na agad. "Huwag kang tumakbo baka madapa ka," Paalala ko sa kanya dahil medyo madulas ang tiles. Lumakad na rin ako at sinalubong sya, iniluhod ko ang isa kong tuhod para makapantay ko sya.

"Daddy!" Binigyan nya 'ko ng yakap nang makalapit sya sakin, "Why you took so long? Me and tita Astrid was waiting for you!" Tanong nya nang kumalas sya sa pagkakayakap sa akin. Inayos ko ang bangs nya na nahaharangan ang mga mata nya, si Astrid ang gumawa nito e.

Sobrang maalaga nya sa anak ko. Araw-araw ata ay binibilhan nya ng damit ng laruan, may pao-OOTD pa sila. Sinabi ko na sa kanya huwag nya nang gawin 'yon dahil baka maispoiled ang bata, pero dahil sya si Astrid walang makakapigil sa kanya.

"May tinapos lang si daddy, nasan si tita Astrid? Bakit nyo naman ako hinihintay, kumain kana ba? Kumain kana nanaman ba ng mga chocolates?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Pinagdikit nya ang dalawa nyang kamay at umiwas ng tingin, nahihiya. "Opo, daddy. Binigyan po kase ako ni tito nygel, pero daddy, nag eat po muna ako ng rice and gulay bago kumain no'n! Promise!" Itinaas nya pa ang isa nyang kamay, tanda na nagsasabi sya ng totoo.

Hindi ko naman sya sa pinagbabawalan kumain ng mga chocolates kaso dapat nasa tama. Minsan kase pag gabi ay sumasakit ang ngipin nya, katulad nalang nung nasa london kami umiiyak na sya dahil sa sakit ng ngipin, hinayaan kase syang kumain ng matatamis ng mga ulupong nyang tito.

"Goodgirl!" Binigyan ko sya ng halik sa noo bago tumayo, saktong pagtayo ko ay nasa harapan ko na si Astrid. Nakangiti sya ngayon sa amin, parang kanina pa kami pinapanood. Napaiwas ako ng tingin nang biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko. Malala na 'to. Habang patagal nang patagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Nympis wants to learn how to bake with us. Take a shower and go over the kitchen, we'll wait you there." Ani nya, "Let's go, sweetie!" Tawag nya kay nympis.

Lumipat naman agad sa kanya ang anak ko, excited.

"Ah, sige susunod nalang-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nun si boss at luhan. Napatigil rin sila Astrid at Nymp.

"Tito, Austin! Tito, Luhan!" Bati ng anak ko sa kanila.

Pero parang walang narinig si boss, parang problema ang mukha nya ngayon. Dumiretso agad sya sa hagdanan na parang Hindi kami nakita. Parehas na naka-kunot ang noo namin ngayon ni Astrid, nagtataka.

Umupo si luhan sa couch, idinantay ang nga siko nya sa tuhod at napatakip sa mukha. Anong problema?

"What's going on, luhan?" Curious na tanong ni Astrid.

Lumapit na 'ko sa kanya at tumabi, "Anong nangyare kay boss?" Tanong ko din.

"Alam na ng mga magulang nila yuna ang tungkol sa atin," Sagot nya na hindi bumabaling sa amin. Saglit akong napatigil, sini-sink in ang sinabi nya. Alam na nila ang tungkol sa amin?

"God! What's happened then?" Nag-aalala nang tanong ni Astrid, mabilis syang bumaling sa anak ko, "Sweetie, pumunta ka muna sa room mo. Mamaya nalang tayo magb-bake, is it okay?"

Inosenteng tumango ang anak ko sa kanya, "Okay po tita." Kumaway pa muna sya sakin bago kami talikuran patungo sa kwarto nya.

"Uh!" Stress na daing ni luhan, "Galit na galit sila, lalo na kay boss." Tugon ni luhan sa tanong ni Astrid kanina.

"What did he do?" She was pertaining to boss.

"Sinubukan nyang magpaliwanag pero pinagtabuyan na kami. Galit na galit talaga sila, hays! Nag-aalala ako kay yessie." Napatitig sya sa kawalan, nag-iisip ng pwede nyang magawa.

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon