33

215 9 3
                                    

Luhan's Point Of View.

"Fvck! head!"

Mura ko nang pagkabangon ko ay parang pinipiga ang ulo ko, sobrang sakit. Napasapo pa 'ko sa ulo ko nang walang maalala kung ano ang ginawa ko sa buhay ko kagabi. Ano bang ginawa ko?

Tinanggal ko ang kumot na nagtatakip sa hubad kong katawan- Tangina? Hubad?!

Hindi naman sa hubad na hubad talaga. Naka boxer lang ako at expose na expose ang mga abs ko.  Agad 'kong nilibot ang paningon ko sa buong kwarto, pamilyar.. Pero hindi ko maalala kung nakapasok na ba 'ko dito o Hindi pa? Napunta ang mga mata ko sa taong katabi ko.. "Gago! Nygel, anong ginagawa mo sa tabi ko?!" Sigaw ko tangina! Anong ginagawa nyan?! Naka boxer lang din sya!

Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ako ng kama at patakbong lumabas. Tulog na tulog ang gunggong! Tangina, nasaan ba kami?! Kadiri! Kadiri! Bakit magkatabi kami no'n?!

"Morning." Napunta ang atensyon ko kay Paris na nakaupo sa sala habang may hawak na tasa ng kape sa kamay at nakadekwatro ang mga tuhod. Nakatapatong ang iPad sa hita nya. "How's sleep?"

Padabog akong lumapit sa kanya. Oo nga. Unit pala nya 'to. "Bakit kami magkatabi ni Nygel?!" Singhal ko sa kanya. "Tapos sino ang naghubad sa amin ha?! Siguro nagkuntyaba kayo ni Nicholas! Tapos.. Gumawa kayo.. ng Porn site tapos.. Ha! Nasaan 'yang si Nicholas?!"

Tumawa pa sya bago sumagot. "Yessie is that you?"

Natigilan ako dahil dun. Parang bumigat ang paghinga ko.. Unti-unting bumalik sa akin ang nangyari.. Ang sinabi sa akin ni Yessie.. Na.. Hindi nya 'ko minahal.

Nang sinabi nya 'yon ay iniwan nya na 'ko dun na parang ako ang pinaka walang kwentang tao na nakilala nya. Iniwan nya 'ko dun ng gulong-gulo. Iniwan nya 'ko na parang wala lang talaga ako sa kanya. Iniwan nya 'ko dun hinang-hina..

Bakit ganon? Bakit ang dali nya 'kong iwanan?

Bakit.. Bakit Yessie?

"Tch. Bakla. Huwag ka ngang umiyak sa harapan ko." Gising ni Paris sa diwa ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala 'ko?

Umupo ako sa sofa na nasa harapan nya at napahilamos sa mukha. Akala ko kapag nilunod ko ang sarili ko sa alak makakalimutan ko na ang mga sinabi nya. Akala ko mawawala kahit papaano 'yung sakit na nararamdaman ko. Pero bakit ganon? Bakit parang wala namang nangyari? Sariwang-sariwa parin ang mga sakit sa puso ko. Dinig na dinig ko pa din lahat ng sinabi nya?

Bakit ang hirap kalimutan?

Bakit ang hirap mong kalimutan Yessie?

Bakit ang hirap mong makuha?

Bakit ang hirap mong hintayin?

Bakit ang hirap mong mahalin?

Pero tangina bakit ang hirap pigilan ng sarili kong mahalikan ka? Bakit noong pinapalayo mo 'ko mas lalo kong napapatunayan na ayaw kitang mawala? Bakit mo 'to ginagawa sa akin?

"Inumin mo." May inilagay na gamot at tubig si Paris sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan namin. "Pampawala ng hangover. Dali na at huwag ka nang ngumawa dyan baka hindi ako makapagtimpi sayo." Banta nya.

Hindi ko na sya sinagot at ininom nalang 'yon. Sumasakit ang ulo ko pero mas nangingibabaw ang sakit sa dibdib ko. Sunod naman nyang nilagay sa harapan ko ang cellphone ko.

"Tumawag 'yung Kloe kanina." Napatingin ako sa kanya. Sini-sink in ang sinabi nya. "Tinatanong kung magkasama kayo ni Yess sabi ko hindi."

Napakunot ang noo 'ko. "Si Kloe?" Paninigurado ko. Tumango naman agad sya habang nakatuon ang atensyon sa iPad nya. "Bakit daw? Bakit nya tinatanong?"

I Accidentally kissed that Mafia lord Season 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon