Alaala

56 2 5
                                    

Ang paborito kong alaala
Ang pagpikit ng aking mata sa gabi na ikaw ang nakikita
At ikaw pa rin ang makikita sa pagmulat nito sa umaga

Ang ikulong ka sa yakap ko
Ang hawakan ang kamay mo
Ang gawaran ng halik iyong noo, ilong at labi
Sabay bulong na ikaw lang ang tinatangi

Gawin mong unan ang bisig ko
Pampatulog ang tibok ng puso ko
Sa gabing hindi ka pinapatulog
Ng mga alaalang ikaw ay binubulabog

Kung darating man ang mga umaga at gabi
Na hindi na ikaw ang aking katabi
Tandaan mo, ikaw ang paborito kong alaala
Ang dadalhin ko sa aking pagtanda

Ang kwento na hindi magsasawang ibahagi sa iba
Mahal, salamat sa iyong mga alaala

~~~~~~~~~~~~~~

Imbes na tapusin yung one shot, ito yung nagawa ko 🤦‍♀.

Freaky ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon