Crybaby

55 2 8
                                    

Iyak ka lang, makikinig ako
Makikinig ako sa bawat hikbi at singhot mo
Sa daladala mong kwento
Sa mga nagpapasakit sayo

Bawat luhang pumapatak
Katumbas ay tanong na nagsusumiksik sa iyong utak
Bawat hikbi
Katumbas ay lungkot at sakit na isinantabi

Panigurado mamamaga ang mga mata mo
At pupula pati na rin ang ilong mo
Sasakit ang ulo mo
Pati na rin ang dibdib mo

At kapag nailabas mo na ang lahat ng sakit, bigat at lungkot
Halika't humiga at bumaluktot
Handa akong maging unan at kumot
Sa mga gabing naghahanap ka ng sagot

Iyakin ka, alam ko
Kaya't kahit hindi ko gusto
Kahit mahirap kang makitang ganito
Iyak ka lang, makikinig ako

Freaky ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon