Mamahalin Kita

44 4 0
                                    

Mamahalin kita ng sa tingin
Kahit alam kong hindi ka magiging akin
Mamahalin kita sa tanaw
Kahit na alam kong mahirap nang bumitaw

Mamahalin kita ng mabagal
Kahit na abutin pa ako ng kay tagal
Mamahalin kita ng dahan dahan
Kahit na wala akong laban

Mamahalin kita ng paulit-ulit
At hindi ako manghihingi ng kapalit
Mamahalin pa rin kita
Hanggang sa aking makakaya

Aking Luna, patuloy kitang mamahalin
Patuloy kitang tatanawin
Patuloy kitang aalahanin
Hanggang sa magmanhid itong damdamin

~~~~~~~~~~~~~

Malungkot ka lang, hindi mo mahal. Mapanlinlang ang emosyon.

Freaky ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon