Hindi Ba

52 2 3
                                    

Hindi ba't parang ang sarap mahalin ng paunti unti?
Yung hindi nagmamadali
Yung aalamin ang maganda at pangit, ang masama at mabuti
Yung hindi takot magbaka sakali

Hindi ba't parang ang sarap magmahal pag magaan?
Hindi mo kailangan bantayan
Payapa ang iyong isipan
Panatag ang iyong kalooban

Hindi ba't parang ang sarap mahalin pag kumpleto?
Kaya mong ibalik ang binigay sayo ng buo
Hindi pira-piraso, hindi porsye-porsyento
Ang iyong pagkatao kasama pati puso mo

Hindi ba't ang sarap magmahal?

~~~~~~~~~~~~~~

So, I have a one shot story in my drafts for over a year now and I can't seem to finish it. Yet, I am here writing poems like I'm some poetic ass. What the hell is wrong with me?

Thanks for reading!

Freaky ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon