Kapag Nakita Mo Na Siya

42 6 0
                                    

Kapag nakita mo na siya
Hawakan ka sana niya
Yung hindi nakakasakal
Yung tipo ng hawak na magtatagal

Kapag nakita mo na siya
Yakapin ka sana niya
Yung mapapawi ang pagod mo
Yung tipo ng yakap na hindi sumusuko

Kapag nakita mo na siya
Alagaan ka sana niya
Yung hindi ka hahayaang maubos
Yung tipo ng alaga na hindi kapos

Kapag nakita mo na siya
Mahalin ka sana niya
Yung hindi nagmamadali
Yung tipo ng pagmamahal na mananatili

Freaky ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon