Chapter 49

23 2 0
                                    


~~~~~~~~

Chapter 49 ~ Two Rival's Chaos!

JULIE

T.H.E.S.I.S...

"Julie kumuha ka muna ng oil para mapagana natin yung Operator ng Land Mines" utos sa akin ni Winston

Tumayo agad ako at lumabas papunta sa malapit na ilog kung saan may poso doon na kung saan pinagkukuhanan nila ng oil para sa gaas.

Matapos kong mapuno ang timba ay iniligay ko ito sa cart upang madali itong maidala pabalik

Ngunit pagbalik ko ay nagulat ako sa aking nakita, may isang nakasampay na puting damit sa isang sanga na kung saan may nakasulat ditong isang letra na gawa sa dugo

L

Iyon ang letra na sinasabing na galing iyon sa pangalan ng Leutenant, nagsimula akong kabahan at matakot

Sumagi sa isip ko na may masama na naman silang motibo kaya nagpaparamdam sila ng ganiyan

Napaatras ako sa takot nang biglang may nagtakip ng aking bibig at naglakas akong magwala ngunit sobrang higpit ng pagkaka-kapit sa akin

Hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado akong kaaway ito, hindi rin siya aggressive na psychotic

"Wag kang malikot" bulong niya, boses ng isang lalaki

Nangangawit na ang mga paa ko dahil sa pabend na position ng aking katawan

At bigla nalang niya akong sinuputan sa ulo at tinulak ako at bigla niya akong hinampas sa batok gamit ang isang di malamang matigas na bagay

At doon na ako nawalan ng malay....

~~~~~~~

AUTHOR'S POV

Naalarma ang tao sa isang watch tower dahil sa kaniyang nakita, nakita niya si Julie na makidnap

Agad itong bumaba at pumunta kay Winston, "Sir!, Someone took her" pagrereport niya

Napatigil si Winston sa kaniyang narinig, agad siyang tumakbo papunta sa mga armadong lalali upang ipautos sa kanila na hanapin si Julie

"Someone took Julie, Find her!" Tumango lang sila at nagmadaling lumabas habang si Winston naman ay nagdala ng sniper at Binoculars at umakyat sa Watch Tower upang pagmasdan ang mga nakatagong kaaway

Naisip ni Winston na isa iyong babala na sasalakay na ang mga Greenland sa kanila

Habang si Mendez naman ay nagpadala ng limang sasakyan ng School Service, isa iyong isinagawang plano upang maipadala ang mga Sibilyan sa Crixis High

Nagpunta siya sa Konduktor dahil mayroong isang babaeng sibilyan na nagrereklamo sa Konduktor

MENDEZ

"Umalis na tayo habang wala pa sila!" Galit na galit at may halong takot na reklamo ng matandang babae

"Hindi po tayo pwedeng umarangkada agad Ma'am! Utos yun sa amin" paliwanag ng Konduktor

"Wala akong pakielam! Mamatay tayo rito kapag naabutan nila tayo!" Dugtong ng Matandang babae

Narinig naman iyon ng Sibilyan kaya sabay sabay narin silang nagsigawan

"OO NGA! MAMATAY TAYO RITO KAYA BILISAN NA NATIN!" Sigaw nilang lahat

"Sshh! Teka lang muna! Huminahon muna kayo dahil baka marinig nila tayo" pagpapatahan ko

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon