~~~~~~~~~
Chapter 40 ~ Secretly Gone
JULIE
"Winston!" Tinawag ko si Winston at napatingin ito sa akin
"Glad your safe!" Niyakap ako ni Winston, mukhang alalang-alala siya sa akin
"Siya nga pala Winston! Mga galing sa Crixis High" tinuro ko sila Peter ng aking hinlalaking daliri
"Oh! Kayo ba ang padala ni Steffy dito?" Tanong ni Winston at lumapit siya kay Peter at nakipagkamay
"Oo kami nga" sagot naman ni Peter
Napatingin naman si Kyrie sa mga kasamahan namin, yung iba sugatan, umiiyak, malungkot, natatakot, at galit sa mga nangyari kanina
"Anong nangyari at bakit nagkaganito kayo?" Tanong niya sa amin
Yumuko si Winston bago magsalita, "Sinalakay kami ng pekeng Greenland" malamig niyang sabi
Hinawakan naman ni Kyrie ang kamay ni Winston, "Di bale! Sumunod kayo sa amin sa Samonte Mall"
Biglang may tila dumaang anghel na nagpaligaya sa isip ni Winston "Tara!!" Ibat langit niyang ngiting tanong
"Doob na tayo dahil nandoon na ang ating mga pangangailangan" Pag-imbita ni Kyrie
"So paano natin sila maisasakay lahat?" Tanong ko sa kanila
"Sumunod kayo sa akin!" Pag-utos ni Winston
~~~~~~~~~~~~~
Nakarating kami sa isang maburol na parte sa likod na labas ng T.H.E.S.I.S kung saan mayroon ditong Convenience store at mga naglalakihang abandonadong kotse
"Dito ko pinatakas si KL" mahinang sabi niya kila Peter
Patuloy lang siya sa paglalakad habang kami naman ay patuloy sa pagsunod sa kaniya
Nagsimula ng magsilabasan ang mga Psychotic sa kaniya kaniya nilang mga lugar
Ang mga sundalo naman na kasama sa grupo ni Winston ay naghanda ng kanilang armas at isa't-isang pinatay ang mga Psychotic
"So ganito guys! Get a car and load everybody, follow their car so that makasunod tayo sa kanila sa Samonte Mall" pagbibigay plano ni Winston
Isa isa na kaming naghanap at sumakay sa kaniya-kaniyang mga sasakyan, ako naman ay sa isang SUV kasama sila Mendez at ang mga batang si Blue at Magenta, at ako ang nasa driver's Seat.
At nang bumiyahe, para kaming isang langgam na nakahilera ay nakapila pasunod sa isang leader
"Kuya! Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Blue habang hawak hawak ang isang laruang Dinosaur
"Sa mas ligtas na lugar" At hinawakan ni Mendez ang pisngi ng bata
"Ano po bang nangyayari kanina?" Tanong naman ni Magenta
Huminga ng malalim si Mendez, "Alam niyo kasi, hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo ito dahil medyo may lagkabrutal ang nangyayari" paliwanag ni Mendez
"Pero paano po si ate Cristine?" Tanong ni Magenta at bigla natahimik si Mendez
Ilang segundo bago ito muling sumagot, "Sabi niya susunod na daw siya" narinig kong sumisingot singot si Mendez, umiiyak na ata siya
Pinunasan ni Magenta ang mga luhang tumutulo sa pisngi ni Mendez...
"Huwag na po kayong umiyak, darating din po si ate Cristine" pagtatahan niya kay Mendez
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
