Chapter 57

99 2 0
                                        


~~~~~~~

Chapter 57 ~ A Friend from the message rope.

CRISOSTOMO

"May nangyaring masama sa kaniya" Malungkot na sinabi ni Shaniah

S-Sinong siya? Anong tinutukoy niyang masama?

Napansin kong iniiwasan niya ang pagpunas sa bahagi ng papel na may dugo

Natulala lang si Jesse at tila nakatitig sa papel, "Jesse, ilagay mo muna siya sa kwarto niya at lagyan ng basang panyo sa ulo" utos ni Shaniah

Umalis sa Jesse buhat-buhat ang kaniyang kapatid habang bumalik naman ang iba sa kanilang mga kwarto pwera kaming dalawa ni Shaniah

"I-I'm so sorry...." pakonsensiyang tono na aking pananalita

"No, wala kang kasalanan dun. Mayroon lang kasing storya ang kabilang building na yan sa amin" kwento niya habang tinititigan ang ilang kilometrong layo ng Condo, tapat ng V.I.R.U.S

"Iyan ang Diamond Hotel, iyan ang madalas na gingagawang board house o pang-condo ng ilang nagtatrabaho sa V.I.R.U.S na hassle sa biyahe" dugtong pa niya

"Iyan ang naging sanhi kung bakit may tali ang pagitan ng dalawang gusaling ito" sabi niya at tumayo siya papuntang balkonahe, sumunod naman ako sa kaniya

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, sa ngayon parang lumalalim ang mga ibig-sabihin ng kaniyang mga sinasabi

Mas nagiging matalinhaga...

"Mayroon kaming kaibigan sa loob ng gusaling iyan" Ngumiti siya nang sabihin niya iyon

"Siya ang madalas na nagdadala ng mga pagkain, pahayag, at mga maliliit na gamit na kinakailangan namin tulad ng mga gamot" niyuyugyog niya ang tali habang nagpapaliwanag

"Anong pangalan niya?" Pagtataka ko

"Hindi pa namin alam...." malungkot at mahina niyang sabi

"Hah!?" Nagulat ako sa sinabi niya

Bakit pa nila alam ang pangalan nung kaibigan nila? Pero bakit mas nauna pang magpadala kaysa sa magtanong sa pangalan?

Parang gumulo ang mga kwento ni Shaniah, wala na akong naiintindihan sa mga sinsasabi niya

"Ayaw niyang magpakilala, ayaw niya ring magsabi tungkol sa mga nangyari sa kaniya.." pagpapahiwatig niya

"Paano niyo naman agad na napagkatiwalaan ang ganiyang klasing tao? Pero kahit ako noong una, parang ayaw na ayaw sakin ni Chen!" Paliwanag ko

"Cris!" Hawak niya sa akin magkabilang balikat upang mapatahan ako, "Huwag mo siyang ipagkait, malaki ang naitulong niya sa amin noong wala ka pa" sabi niya

Hinahangin ang buhok niya, naramdaman ko ang lungkot sa nangingilid niyang luha, at ang patakip-silim na araw

"Matulog ka na sa kwarto mo..." Bulong niya at tumingin ulit siya sa gusali, tumalikod siya sa akin na para bang ayawna niya akong maka-usap

Gaya ng sabi niya, pumunta ako sa kwarto ko, wala pang gaanong gamit dahil bago lang ako dito.

Puno la ng mga nakakalat na kahon ng packages na may lamang mga mahahalagang gamit para sa akin

Humiga ako sa kama at inilagay ang mga kamay ko sa batok ko, nakatingin ako sa kisame na lara bang hinihigop na ang buong kaluluwa ko

Palagi kong iniisip na,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon