Sorry kung paskong pasko at walang update si Otor :3~~~~~~~~~~~
Chapter 38 ~ She Really Doesn't know..
PAULA
"Tell me, saan na ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglilibot eh!" Pagtanong ko sa kaniya habang naglalakad pasunod sa kaniya
Matapos kasi naming magpahinga sa tabi ng mga Psychotic na galing sa hamog ay sinundan ko ng lakad si EJ
Di ko alam sa sarili ko kung bakit sumusunod-sunod naman ako sa kaniya pero sa tingin ko tama din naman ang desisiyon na ito sapagkat hindi ko pa alam kung ano ang mayroon dito sa labas ng Crixis High
"Kukuha tayo ng mga supplies para may makain tayo mamaya" pagsagot nito
"Saan naman?" Tanong ko habang nakakunot ang aking noo sa kaniya
"Sa SAGALA"
SAGALA, isang kilalang Mall sa Maynila. Expensive ang mall na ito. Kilala rin bilang pamilihan ng mga sikat na Artista. Marami itong branches na tulad ng Ayala Malls.
May Condo, Resort, Village, Townhomes, Apartment, Hotel, at Cruise.
Ngunit nabaliwala lang ito matapos magkaroon ng mga Psychotics sa panahon ngayon.
Matapos kaming magdrive ng isang abandonadong kotse sa gilid ng daan, narating namin ang SAGALA.
Hindi na pangkaraniwan ang makikita mo dito ngayon. Ang dating puro tao at mga sibilyang mamimili ay napalitan ng mga tangke ng mga sundalo.
Ang mga puno at bench na madalas pagtambayan ng mga tao ay napalitan ng pagkakumpol-kumpol na mga bangkay
Ang mga fountains at mga malalawak na lugar kung saan madalas magbike ang mga bata at magkasintahan ay napalitan ng mga sako-sakong buhangin upang pangharang ng mga sundalo sa kanilang ginaganap na gyera
Ang laking pagbabago, isa na ngayong madilim at itim na mundo ang matutungtungan mo
Dahan dahan pero mabilis kaming tumakbo ni EJ papunta sa Tangke ng sundalo upang makapagtago at makakuha ng mga baril at granada
"Dalawa tayong aakyat pero ikaw ang papasok!" Utos niya sa akin
"Pero..." bigla akong napaisip ng bigla kong makita yung mukha niya, ayaw niyang kontrahin ko siya "Sige!" Agad akong umakyat at sumunod naman siya
Binuksan niya ang pintong may hugis bilog, kung saan ito ang lagusan papasok sa loob ng tangke
Tumingin muna ako sa kaniya bago pumasok, seryoso na ang mukha niya 'di katulad kanina na medyo may pagkaweird
Pagtapos pumasok ay hinanap ko ang pinakatiyempo ko, ang Granada at ang mga Baril
Pero sa unang pagkakita ko palang ng loob, mga bangkay agad ng sundalo ang una kong napansin
Lahat sila ay may tumutulong dugo sa mula sa ulo, perk bakit ganun? Halos matagal na panahon na rin ang nakalipas ngunit bakit parang bago at sariwa pa ang mga dugong nasa kaniyang ulo?
Pumunta ako sa bandang may mga systems at mga radar kung saan ang katabi noon ay ang cabinet at drawer ng mga baril
Una kong kinuha ang Pistol mula sa drawer, at saka naman ang mga Rifles mula sa cabinet hanggang sa may marinig akong parang kaluskos sa bandang systems at radar
Napatigil ako at napatahimik habang tinititigan ang radar, may mga Green Dots dito na tila parang may kung anong bagay na nadedetect dito sa Radar
" *screech* Hello? Someone there do you copy? *screech* " Biglang nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
TerrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...