Chapter 54

21 2 0
                                    


~~~~~~~~~~

Chapter 54 ~ Prophet meets the Cordonovia'n Family

AUTHOR'S NOTE...

"Nawalan ng karapatan ang bawat tao, akala ng mga tao ay masama sila dahil nanakit sila ng mga halimaw. Ngunit hindi."

[Add Facts: All About Steffy]

Isa na nga diyaan ay ang kwento ni Steffy. Noong nagtrabaho siya sa V.I.R.U.S Company, nakakita siya ng isang lalaking nakasuot ng Traffic Enforcer Uniform at agad siya nitong nilapitan

Biglang bumuka ang bibig ng lalaki at umagos ang mga dugo rito, isa itong Psychotic.

Tinangka ng Psychotic na patayin si Steffy kaya ipinagtanggol niya ang sarili niya at namatay ang Psychotic.

Ang akala niya ay tapos na at ligtas na siya ngunit dumating ang mga sundalong nakaGas-Mask at hinula nito si Steffy

Akala ni Steffy ay isa siyang kriminal dahil sa nagawa niyang pagpatay sa isang Psychotic na sa akala niya ay tao

Ngunit hindi....

Lahat ng iyon ay dahilan ng Exclamatory Rule. At doon na nagsimula ang kwento noong makulong siya sa T.H.E.S.I.S Department.

Isa si Steffy sa mga naging empleyado ng V.I.R.U.S Corp. At isa siya sa mga nagka-Counter ng mga personalidad na kung sinuman ang pumasok sa gusali

Napromote din siya at naging Facilitator sa Ward 6 at naging matalik na kaibigan si Chen Ryu, isang Facilitator sa District 1 p ang pinakadelikadong laboratoryo sa buong Labs ng V.I.R.U.S Corp. (See the side-story of them at Psychotics Book 1 at episode 5)

(P.S, make sure that The Psychotics Book 1 is Unrenewal so that you can still see their side-story.)

Natuto si Steffy sa mga ilang bagay tungkol sa Project-X at pati narin sa mga Laboratory Commandments.

At ngayon, namuhay si Chen Ryu sa V.I.R.U.S Corp. at hindi na nakaalis la dahil sa pagkatrap ngunit hindi lang dahil doon, kundi dahil sa naniniwala siyang may magliligtas sa kanila at sa isang kumpanyang kumakalaban sa kanila....

~~~~~~~~

PAULA

"And tonight, our group name will be Cordonovia" Sigaw ni Winston, Nagpalakpakan ang mga tao at humiyaw na para bang sumusuporta sila sa bagong pangalan ng grupo

Nagsilapitan ang mga tao at nakipag-shake hands ang mga miyembro ng Frindos Camp at nang mga taga Crixis High

Bago na ang lahat, iba ba ang kampo namin ngayon at mas lalo pa kaming dumami

Ito na siguro ang panibagong buhay na tatahakin namin, ang buhay bilang Cordonovian...

Nagsimula nang mag-ayos ang mga taga Frindos Camp at nagsimula narin silang gumawa ng mga tents sa labas ng Eskwelahan

Binantayan nila ang mga woods, sabi ni Winston ay magtatayo na sila ng mga gates bukas ng madaling araw dahil naabutan na daw sila ng gabi ngayon

Magandang plano iyon dahil mas mapoprotektahan pa ang Crixis High at nang sa gayon ay hindi na ito malalapitan ng mga Psychotic

Kumbaga ang Crixis High o ang Eskwelahan ay may gates na nakapalibot rito at sa paligid na labas ng gates ay siyang tatayuan ng mga tents ng Frindos Camp at sa pinakanasasakupan naman ng eskwelahan tatayuan ng mga gate na gawa sa barbed wire

~~~~~~~~~

KRISTOFF

Lumapit ako kay Winston na siyang leader ng Frindos upang sabihin sa kaniya agn tungkol sa Celestial at pati narin si Cristine

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon