~~~~~~~~~Chapter 27 ~ The Secrets of T.H.E.S.I.S
Crisostomo
Sta. Anna village of Charity...
Nakapag-usap na kami nila Samantha kung bakit siya nagkaganon at bakot niya iyon ginawa
Medyo may natrauma lang si Samantha nung makagat siya ng Psychotic...
At medyo naapektuhan naman daw ang utak ni Samantha sabi nila Kyrie..
Pagpasok ko sa simabahan ay wala na silang lahat, ngunit may iniwang mensahe ang mga iyon sa upuan ng simbahan
GO TO T.H.E.S.I.S TO GET WHAT YOU NEED
T.H.E.S.I.S? At bakit naman nila kami pinapapapunta doon?
Alam ko namang gusto na nilang makaalis at makapunta sa Crixis High nang hindi kami kasama kaya kung iyon ang gusto nila, dadamayan kp na lang sila..
Agad namang pumasok sila Kyrie at nagulat nang makitang wala na ang iba..
"Nasaan sila?" Tanong ni Kyrie
Nagsenyas ako sa kaniya na 'hindi ko alam' at napakamot ito ng ulo at saka lumapit sa amin
Umatras naman ako para makita niya yung mensahe sa upuan...
Mukha naman siyang nagulat, "T.H.E.S.I.S? Bakit daw?"
"Siguro ay kailangan nating i-evacuate ang iba doon" pagpapaliwanag ko
"Pero paano sila?" Pagtanong ni Kyrie
Hindi ako pwedeng magsinungaling pero nasa kapakanan naman iyon nila Paula kaya mag-waWhite Lies na lang ako
"Hindi ko alam kung saan sila papunta pero kailangan daw nating pumunta sa T.H.E.S.I.S" pagpapaliwanag ko
"Oh sige! Bilisan na natin para makahabol pa tayo sa kanila" pag-utos ni Kyrie at dali dali na kaming nag-ayos ng aming mga gamit
'Mag-ingat kayo sa paglalakbay'
~~~~~~~~~~
Cristine
T.H.E.S.I.S...
Ngayon ako ay nakatayo sa isang madilim na lugar na punong puno ng bangkay at Psychotic
Nanginginig ako at nanghihina sa aking nakikita...
Hindi ako makapaniwalang may ganito sa loob ng kuwartong ito, hindi ko naman alam kung mabubuhay pa nga ba ang mga ito..
At mas nakakatakot ay baka biglang itong magising at hindi ko na alam ang gagawon ko..
Dahan dahan akong naglakad, maingat na hindi maapakan ang balat o ang kahit anong bahagi ng katawan nito..
Nakakangawit kaya bigla akong napatumba sa isang bangkay, agad akong tumayo at umiwas sa natumbahan kong bangkay kung mabubuhay ito..
Ngunit hindi naman, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway at ganoon din ang aking nakita..
Puno din ng bangkay ang lapag nito pero may mga kuwarto na at isang elevator sa gitna..
Nagpatuloy lang ako sa maingat kong paglalakad hanggang nasa tapat na ako ng C.R nang biglang makarinig ako ng ingay
At isa itong aming kagrupo dahil ang boses nito ay nadidinig ko rin sa aking Talkie..
Agad akong nagtago sa C.R at pinatay ang Talkie ko at baka sakaling marinig pa niya ang mga tunog nito
Nakabukas lang ang pinto ng C.R katulad ng kaninang pagkabukas nito bago ako pumasok dito
"Hello? Alam kong pumasok ka dito! Magpakita ka na please!" Isang boses ng babae ang aking narinig sa hallway na aking pinanggalingan
Ang flashlight ang nagsilbing signal ko kung malapit na ito o hindi
Hanggang sa pasukin niya na ang lugar kung saan ako naroroon, maingat din siyang naglakad sa mga bangkay ngunit ang tingin ay sa bawat kuwarto ng lugar na ito
"Hello? Please magpakita ka na! " pagmamaka-awa nito
Ayaw kong magpakita sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung infected na nga ba ito at baka mahawaan niya din ako..
"Please maawa ka! Magpakita ka na! Natatakot na ako dito" pagmamaka-awa nito hanggang sa papunta na ito sa C.R
Agad naman akong nagtago sa isang palikuran at sumilip sa ibaba ng pinto na kung saan mayroon itong butas na may onting kalakihan
"Hello?" Pagsilip nito sa bawat pinto ng talikuran
Napatahan naman ako ng makita kong sinisilip niya talaga ang mga pinto, paano kung makita na nga niya ako?
Hanggang sa palapait ng palapit sa aking kinaroroonan ang kaniyang pagsisilip..
Kinakabahan na ako at lalo na akong natatakot...
Hanggang sa napahinto na ito sa tapat ng aking pinagtataguan, nagclick ang padlock ng pinto ng aking kinaroroonan..
Shit!!
Hanggang, nang buksan niya ito ay agad ko siyang tinulak at pinatumba at saka ko siya sinakal
Pilit niya itong pinipigilan at angnkaniyang mga paa ay pilit na inaabot ang aking paa
"Tulong!..... *choke* Tulong!!..... *choke*" pagsambit nito habang sinasakal ko siya
Hanggang sa makita ko ang kaniyang mukha, natigilan ako nang makita kung sino ang nasa likod nito..
Agad niya akong tinulak at hinawakan ang leeg nito at huminga ng malalalim
"Y-Yuki?" Tanong ko habang nakahawak sa pintuan ng talikuran upang maging gabay sa aking pagtayo
"C-C-Cristine?!?" Tanong nito habang hinihimas ang kaniyang leeg
"Yuki? Ikaw?" Tanong kong muli
"Ako nga Cristine!" Pag-amin nito at akmang yayakapin niya sana ako ngunit pinigilan ko ito
"Wait! Teka! Have you.... bitten?" Nag-aalinlangang tanong ko..
"No! Don't worry! I'm not!" Pagsagot nito at chineck ko ang mga parte ng katawan nito
"Pero bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya
"Nang magtakbuhan tayo paalis sa mga Psychotic na nagsilaglagan ay sumunod ako sayo ngunit may nalaglag na Psycho sa harap ko kaya pinatay ko muna iyon at nakita na lamang kita na pumasok rito" pagpapaliwanag ni Yuki
"At saka natatakot din ako, ayokong sumabak sa mga Psychotic ng wala akong kasamang iba" dagdag pa ni Yuki
"Ah ganun ba, pasesnsiya na nga pala tungkol kanina ha" paghihingi ko ng tawad
"Hindi! Sige okay lang! Siya nga pala, paano nga pala tayo makaka-alis dito?" Pagtanong nito sabay lipat ng topic
"Tara!" Pag-imbita ko at sumunod din ito..
Lumabas kami ng C.R at tinuro ko ang Elevator
"Hindi ko alam Yuki, pero subukan natin doon" at napansin kong nakabukas pa ang mga ilaw nito
Makakaalis nga ba talaga kami dito?
Ano nga kaya ang nasa pinakaloob-looban ng gusaling ito?
>>>>> PROJECT X <<<<<
Vote Comment Share!
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...