Chapter 28

31 3 0
                                        

~~~~~~~~~~~~

Chapter 28 ~ At Last..

Myra

Judex Street...

Kasalukuyang nasa biyahe kamo kasama ang bagong bisita na nagpakilalang Mahogany...

Ayon sa kaniyang pananaw, nagtatrabaho ito sa kompaniyang C.A.T o Communication and Technology Company..

Isa siya sa mga Calling Agents ng Call Center ng C.A.T, at kalaunan ay naging manager matapos makipagtulungan sa pakikipaglaban ng kompaniyang C.A.T at V.I.R.U.S

Mayaman ang kanilang pamilya at ikinikilala ang kaniyang Tita na si Shania Trinidad bilang isang sikat na Fashion Designer..

Naging larangan ni Shania ang pagiging Fashion Designer at naipanglaban ang kaniyang mga likha sa iba't -ibang bansa..

At dahil doon ay mas umangat ang kaya ng pamilyang Trinidad at mas naging kilala ang pamilya nila noong taong iyon..

Ngunit noong taong din iyon, nagsimula ang pagkalat ng sakit, infected, at mga Psychotics..

Nawala ng parang bula ang kanilang pinaghirapan, naging kawalan ang pamilyang Trinidad..

At dahil din doon, hindi nailigtas ng Corporation ang pamilya nila dahil sa mga problemang nakaharap nila

Naging Infected ang kapatid ni Mahogany, nanakawan ng kotse ang kanilang pamilya, at madaling natungo ng mga Psychotic ang kanilang destinasiyon na naging sanhi upang mahuli sila sa mga Helicopter ng Corporations..

At nagsakripisiyo din ang kaniyang tatay nang pasukin ng Psychotic at macorner ang mag-ama..

At nang makatakas ang nanay at si Mahogany ay nakakita sila ng Helicopter ng ibang Corporation, huningi ng tulong ang kaniyang nanay ngunit nagulat na lamang si Mahogany nang bigla itong barilin sa ulo..

Siguro ay inakala nila itong Psychotic dahil sa madungis at kakaibang kilos nito..

At ito siya ngayon, namuhay siya ng mag-isa sa gitna ng Apocalypse, nakipagsapalaran sa mga Psychotic at natutong maging matapang kahit wala ang kaniyang mga magulang

......

At ngayon ay nakatitig lamang si Mahogany kay Meg..

Bakit kaya siya nakatitig kay Meg?

Bumalik ako ng tingin sa salamin, malapit na pala kami sa tulay ng Judex..

Nakita ko ang nadaanan naming abandonadong sasakyans na may pintura ang harap ng kotse

HELP US!

at sa kabilang dako ay narating din namin ang tulay, dilaw na may pagkapula ang ilog, tanda na ang dagat na ito ay talagang kontaminado..

sira sira narin ang ibang parte ng tulay, may mga uling o itim na marka na parang nasunog..

Mga nakalawit na wire at mga bakal tanda na isang malagim na bangungot ang nangyari dito..

'Bakit hinayaan tayo ng lahat na mangyari ito?' Isang tanong na pumasok sa aking isipan..

At sa aming nadaanan ulit ay isang hilera ng mga bangkay o Psychotic ang nasa gilid ng tulay

Balot ito ng isang tela na may Biohazard sign at Red Cross signs..

Hindi kaya...

*Car Breaks*

Nauntog ako nang biglang huminto nang napakalakas ang kotse namin...

"Why did you?!" Pagalit kong tanong

Ngunit hindi sumagot si Paula ay nakatitig lang ito sa kanoyang harapan, tumingin naman ako kung saan nakatignin si Paula

Isang Helicopter ng Faith Corporation ang nakapatong sa taas ng tulay, nag-uusok ito at tila lumalangit-ngit na parang mahuhulog ito at babagsak dahil sa bigat nito

"Oh my god!" Pagsambit ni Dr. Kros at dali dali itong lumabas ng kotse

"Kros! Sandali!" Lumabas naman ako at sinundan si Kros upang pigilan na lumapit doon

"Kros!' Pagpigil ko kay Kros at nakita ko siyang umiiyak na parang nasawi..

"Bakit ka umiiyak?" Pagtanong ko

"Sila dapat ang magliligtas sa atin nang tumawag ang Faith Corporation noong nasa T.H.E.S.I.S pa tayo *sniff*... pero eto ngayon, hindi parin tayo maililigtas ng Faith Corporation *sniff* " pagpapaliwanag ni Kros habang sumisingot..

Napatigil lang ako at tumitig dito, Oo nga, kung sanang hindi magka-Crash ang Helicopter dito, nailigtas na sana kami...

~~~~~~~~~

Nakatulay na kami ay nakalusot sa Helicopter ng Faith Corporation, at ngayon at nasa Aquarius na kami

Dahan dahang umaandar ang sasakyan namin dahil nakakapinabago talaga dito sa lugar na ito

Lahat kami ay nakatingin kung saan saan...

Ang mga bahay, kalye, at gusali ay malinis at abandonado, sanantalang ito ang pinaka-daungan ng mga barko ay mga negosiyante kaya dito ang pinakamaraming magtitinda, nagtatrabaho, at mga sibilyan

At ngayon ay isa na itong abandonadong lugar, nakakalungkot at tila ang laki talaga ng pinagbago ng mundo ngayon kahit na sa ganitong kaliit na lugar lamang..

Ang mga daanan at kalye nito ay gawa sa mga rubbles o pebbles na tila ito ay isang mayaman at mahalagang kalye dito sa Aquarius

Pinaniniwalaang ang Aquarius ang sumusuporta sa Montenegro Dam o ang Dam sa gilid na bahagi ng Judex Street na katabi lamang ng ilog..

Patuloy lang ang pagmamaneho ni Paula hanggang sa makalabas na kami dito at doon lang namin nalaman ang pangalan ng kalyeng iyon..

NAPOLEON STREET since 1987…

At sa kabilang dako ay ang napakalaking bukid, napakalawak ng ektarya na ito, tanda na napakayaman ng may-ari nito..

At sa pinakaHorizon ng aming direksiyon ay makikita ang Maynila o ang Syudad, wala na itong usok na hindi katulad dati, at parang rin itong uling o may maitim na marka..

May mga bomba pang mga naka-usli sa bawat pananim ng Bukid at mga kotse at Tangke..

At nadaanan namin ang isang sign na dapat 100 KM ang nakalagay ngunit binura ito at pinalitan ng Crixis High 10 KM ⇧

Malapit na nga kami sa Crixis High!

Bigla namang napahawak sa aking kamay si Paula, nakangiti ito sa akin habang nagmamaneho

"Makikita na natin sila Steffy at KL" bulong ni Paula sa akin

Ngumiti kang ako bilang sagot sa kaniya, at tumuloy naman sa pagmamaneho si Paula

At isang sign na naman ang nadaanan namin, ganoon din ang nangyari pero pakanan ⇨ naman ang direksiyon na nakalagay dito at ito ay patungo sa isang magubat na lugar

Lumiko naman ang sasakyan namin at tumungo sa magubat na lugar, at sinunod ang mga sign at kalye

Hanggang sa marating namin ang isang gusali, pumasok kaminsa gate nito na may mga bangkay ng Psychotic sa labas nito

Huminto ang aming kotse sa parang parking lot ng gusali..

At ang gusaling ito ay paaralan, nakatingin lamang kami rito ng nakangiti, simbolo na nakamit namin ang paghihirap..

At ang pangalan ng gusaling ito ay,

Crixis High

.....

>>>>> PROJECT X <<<<<

Nyori! BITIN!! XD

VOTE COMMENT SHARE ☜☜☜

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon