~~~~~~~~~
Chapter 22 ~ When they have traveled together.
Max
Sta. Anna Village of Charity...
[The Continuation]
"Kung ganon! Edi ihatid mo na kami doon!" At hindi na nakontrol ni Kros ang kaniyang damdamin
"Hindi KROS! Hindi naman pwedeng magpahatid sa kanila papunta sa Crixis High kung may importante rin silang pupuntahan!" Pagpigil ko kay Kros
"Hindi! Kaya nga kami nandito eh para hanapin kayo at ihatid kayo doon!" Pagpaliwanag ng Isang babae
Ngunit natahimik ang lahay bago ang isa sa amin ang muling kumibo sa pagsuporta sa pinto ng simbahan
"Eh kung pigilan muna kaya natin tong pinto?" Pasigaw na sabi ni Meg
Napatingin naman ang lahat kay Meg at saka kami muling kumilos sa pagsuporta
"Teka! Pagbilang ko nang tatlo takbo agad tayo sa labas likod nito!" Jerik
"Okay okay" at kami'y sumang-ayon
"One" Jerik
.....
"Two"
.....
"Three!!!" At pagbilang nang tatlo ay agad kaming kumilos..
Nagsimulang bumukas ng kaunti ang pinto at may isang kamay ng Psychotic ang nakahatak pabalik kay Tetra
"AAAAAAHHH!!" Sigaw ni Tetra at nakagat ng Psychotic ang braso ni Tetra
"TETRA!!!!" sigaw ni Meg at sinimulan niyang paputukan ang mga Psychotic ng kaniyang AK rifle
Parang nagslow-motion ang lahat sa akin....
Kahit kailan nang kasama ko sa paglalakbay si Meg ay hindi ko siya nakitang pumatay sa tapat, paligid, o sa loob man ng simbahan
At sa totoo lang ay mas pinagsasabihan niya pa nga ako sa mga masasamanag bagay na pwedeng kumontra sa ating Diyos.
Ngunit, sa aking nakikita ay iba siya, puno ng galit ang paligid niya..
Lahat kami ay nagulat sa kaniyang ginawa..
Ang aming mga muka, ay may bakas ng hindi pagpaniwala na makakagawa si Meg ng isang karumaldumal na bagay
At matapos ang pagbaril ni Meg ay binaba niya ang hawak na baril at dali daling pumunta sa kaniyang pinsan habang ibinibigkas ang pangalan nito,
"Tetra... Tetra..." mahinang bigkas nito habang lumuluhaTumakbo ito kay Tetra at lumuhod at saka binuhat ang ulo nito..
"Gumising ka Tetra! Gumising ka!" Paggising ni Meg ngunit napansin nitong hindi na ito humihinga..
"Gumising ka!...." Meg, at nagsimula na siyang humagulgol..
"Teka lang! Mabubuhay pa siya!" Agad na pagpunta ng isang babae na may hawak na gamot kay Tetra
Napansin ng babae na wala pang sintomas ng pagiging Psychotic si Tetra ngunit tumigil lang ang paghinga nito kaya napansin ng babae na pwede pa itong magamot
Binuksan ng babae ang gamot at agad ni Meg na mapansin ito..
"Gamutin mo siya please! Gamutin mo siya!" Pagpupumilit ni Meg habang niyuyugyog ang balikat ng babae
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
TerrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...