Annyeong Readers!
Ayun! Nabago ko na yung cover nito. KAAAAAADDIIIIIIRIII!!
Hahahaha!!
~~~~~~~~~~~~~
Chapter 32 ~ The Plagiarism of a Dead Body
Cristine
T.H.E.S.I.S...
"Gavin!?" Napasambit ko sa sobrang gulat
Nakatitig ako ngayon sa isang patay, si Gavin, nakatayo at nakacross-arms pa at tila hinihintay ang pagpunta namin dito...
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, dapat patay na siya matapos siyang mahulugan ng Psychotic mula sa taas
"G-Gavin?" Nauutal na pagbanggit ni Yuki
Napatingin naman ako sa kaniyang sugat noong kagatin ito ng Psychotic, ngunit tinakpan niya ito ng malapad niyang kamay
"B-Bakit buhay ka pa?" Pagtanong ko at nakatitig ako sa kaniyang mga mata
Pinagmamasdan ko ang kulay ng mga mata niya ngunit normal lang ito hindi katulad ng mga infected at Carriers
Hindi lang ito umimik ngunit nilipat niya ang mga mata niya kay Yuki, at parang may masamang balak ang dalawa sa akin
"Wag. Kang. Umarte. Na. Parang. Hindi. Mo. Alam." Dahan dahang sagot nito at tila parang nahihirapan sa kaniyang pagsambit
Teka! Anong ibig niyang sabihin?
Tumingin naman ako kay Yuki na parang interisado akong malaman ang gustong iparating ni Gavin
"I'm sorry...." pagpatawad ni Yuki habang umiiyak
At bigla niya akong saksakin ng Combat Knife, masakit dahil malakas ang pagkakasaksak niya ng kutsilyo sa akin
Tila lumabo ang paningin ko at ang mga pandinig ko ay nawala...
Napahiga na lamang ako sa sakit, tiningnan ko kung ano ang itsura ng pagkakasaksak niya sa akin ngunit wala akong nakitang pagdugo
Pumatong naman sa akin Yuki at saka ako sinakal, sinasakal noya ako habang umiiyak siya
Napahawak naman ako sa mga braso ni Yuki at pinipilit iyong alisin ngunit mas malakas siya
Hanggang sa ang kumapa-kapa na ako sa aking paligid kung anong puwede magpatigil sa pagkakasal sa akin ni Yuki
Ang higpit ng pagkakasakal niya sa akin, napapaluha na ako sa sobrang sakit, at pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga
Puwersa kong kinuha yung kutsilyo na nakasaksak sa akin at saka sinaksak sa kaniyang ulo
Tumagos naman ang kutsilyo sa kaniyang mata at napatakan ng kaniyang dugo ang aking helmet
Agad ko namang inalis ang katawan ni Yuki na nakapatong sa akin at saka tumayo, nakatayo lang si Gavin at tila nanginginig ang mga daliri at parang hirap pa rin siyang kontrolin ang kaniyang sarili
Agad naman akong tumakbo habang umuubo dahil sa pagkakasakal sa akin ni Yuki, hanggang sa mangisay na rin si Gavin, lumalabas ang mga maiitim na lukido mula sa kaniyang bibig
Tumakbo at tumakbo lang ako hanggang sa aking makakaya hanggang makita ko ang pinto ng hallway na nagliliwanag ang salamin nito
Binuksan ko iyon at kumuha ng bakal at sakal inilock sa pintuan upang hindi na dumating si Gavin sa akking kinaroroonan
At nandito ako ngayon sa isang cell block, wala itong kalaman laman, at nakakatindig-balahibo ang mga nagfi-flicker na mga ilaw
Dahan dahan akong dumeretso hanggang sa makarating ako sa isang Stock Room, pumasok ako rito at umupo
Tinanggal ko ang Lab Coat ko at napansin kong nakasuot pala ako ng Bullet Proof Vest kaya hindi tumagos sa aking balat ang kutsilyong pinangsaksak sa akin ni Yuki
Ngunit nararamdaman ko parin ang sakit ng pagkaka-impact ng pagsaksak niya sa akin, at saka ko sinuot ulit ang Lab Coat kasama ang Vest
Tumingin tingin muna ako sa aking paligid, mga kahon kahon ng Supplies at isang cabinet ng Baril ang naroroon sa Stock Room
Kumuha ako ng isang Pistol at isang ShotGun, limang health Kit, Flashlight, at isang mapa ng T.H.E.S.I.S kung sakaling mawala ako sa lugar na ito
Tumingin tingin ako sa buong paligid ng Stock Room kung saan ako pwedeng makalusot, at tanging ang tubong pinagseseperate ng lamig ng Aircon lamang ang pwede kong lusutan
Tumungtong ako sa Shelf at saka lumusot sa ceiling na tubo, medyo madilim kaya binuksan ko ang aking Flashlight at saka nagpatuloy sa pag-gapang...
At nang makakita ako ng isang butas sa tube na pwede kong lusutan ay agad akong bumaba doon at naririto ako ngayon sa isang Stock Room ng Security Area, malapit na malapit ito sa Black Box
Nagpahinga muna ako rito hanggang sa mawala ang pagmaga ng aking lalamunan at pinagsaksakan
~~~~~~~~~~~~
= 2 Days After =
Papunta ako ngayon sa Black Box, narito na ako sa Hallway na kung saan ang labas nito ay ang tulay sa gilid ng Black Box
Doon ako dadaan dahil alam kong napakaraming mga Psychotic doon ayon sa kwento ng mga taga Frindos Camp
At nang buksan ko ang pinto ay isang liwanag ang bumungad sa akin, napakalakas na ingay...
At nang makita ko iyon, ang Black Box na tila parang Arena, malaki at punong puno ito ng libo-libong mga Psychotic
Sikip na sikip sila at parang kahit isang espasyo at wala at sakop na sakop nila ang buong ground ng Black Box
At Biglang lumindol, mga putukan ng Baril na tila galing sa labas, nagsimulang magsilaglagan ang mga bato mula sa taas
At dahil doon, nagkaroon ako ng kutob na maaring gumuho ang lugar na aking kinaroonan
Nagsimula akong tumakbo papunta sa hallway na palabas sa likod ng T.H.E.S.I.S at nang marating ko iyon ay biglang gumuho ang buong bubong ng Black Box
'Anong nangyari?'
At sinara ko na ang pinto at nagpatuloy sa paglalakad sa madilim na hallway...
Puro ito mga bangkay na nakaupo at ang mga ulo nitong nakasandal sa dingding ay puro bakas ng dugo
Dahan dahan akong naglakad dito habang isa isa silang pinagmamasdan, puro sila sundalo
At nang biglang gumuho ang hallway ng aking kinaroroonan, tumakbo ako papunta sa labas at makalabas ako roon ay, isang hallway na puro may arch ng Black at Yellow na kulay
Bumalik ako ng tingin sa hallway kanina, natabunan na ito ng mga bato...
Napaiyak ako dahil naisip ko na kung hindi pa ako aalis dito sa lugar na ito ay malamang, hulina ang lahat at natabunan na ang dapat kong mga madadaanan
Bumalik naman akong ng atensiyon sa aking harapan, dahan dahan akong umabante dito hanggang makarating ako sa pinakadulo nito
Automatic na nagbukas ang pinto at pagbukas nito ay isang grupong armado ang tumutok na kanilang mga baril
"Stand By!!" Sigaw ng isang armadong tao
Gaya ng sabi niya ay huminto lang ako, tinaas ko ang aking mga kamay upang sabihin sa kanila na suko ako sa anumang iparatang nila sa akin
Napalunok naman ako ng dahan dahan silang lumapit sa akin, at nakita ko ang kanilang mga logo sa kanilang magkabilang balikat
Mga Grupo ng Armadong Sundalo ng CELESTIAL
CELESTIAL, Main City
O ang Bayan na nasa likod ng T.H.E.S.I.S, kilala bilang isang satellite ng ABYSS, sa Dorsonia
'Welcome to Celestial City'
>>>>> PROJECT X <<<<<
Vote Comment Share
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
