Plot Twist: hindi niyo ba napansin na si Somebody's POV ay pumunta sa Greenland pero nabombahan na iyon ni Kros? Saka kilala niyo ba kung sino yung bida dito? Di ko kasi kilala ehy XD!
~~~~~~~~~~~
Chapter 12 - the findings part 3
X Chapter part 3
Dr. Kros
Continuation...
"Oo.. meron" pagkasabi ko sabay ng pagtibok ng aking puso
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, wala naman sigurong rason kung bakit ako matatakot sa kaniyang simpleng tanong, w
Sasagutin ko lang naman siya hindi ba?
Pero sa aking kinahaharap, parang iba na ang nararamdaman ko sa kaniyang tingin, galaw, tanong, parang may mangyayaring masama kung sinagot ko o hindi ang tanong niya
"Pero bakit hindi mo sinabi samin nung una pa lang?!" Tanong nito sabay nang pagkalalong kaba ng aking katawan
?..
"Nakalimutan ko Mendez, I'm sorry" sagot ko nang malamig
"Then okay, Kros..." At pumunta ito sa taas, sa kaniyang kuwarto
Sumama namang pumunta sa taas si Myra habang si Jerik naman ay lumabas ng Cell block
Habang ako ay naiwan dito, nakatunganga, at mukang mali
Ito nga ba ang mga sinasabi ni Judith na kailangan kong intindihin??
Bakit kaya ganoon sakin si Mendez, paano niya kaya nalaman ang tungkol sa usapan namin ng Faith Corporation??
~~~~~~~~~~~
Someones POV
"Tara bilis!!" Mabilis kaming tumatakbo dahil sa mga grupong Psychptic na humahabol sa amin
Ang mga Psychotic na ito ay galing sa Black Box
"Bilisan niyo pa!!" Pagmamadali ko sa kanila dahil medyo malapit na silang mahabol ng mga Psychotic na iyon..
"Max!" Muli namang pinana ni Max ang Psychotic na papalapit sa Psychotic
"Bilis!!" Pumunta ako sa isang hallway at may grills pintuan sabay ng pagsunod nila at ng mga Psychotic
Sinara ko ang grills ng pintuan at sinimulan patayin silang isa't -isa mula sa kulungan
At biglang namatay ang ilaw ng hallway
Tanging mga hiyaw, tili, at ungol ng Psychotic
Nakakatakot dahil hindi namin makita ang aming dinadaanan, hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa paigid namin
At pakiramdam mo'y nagsimula ng pasukin ng mga Psychotic ang grills
"Max! Magenta! Jin! Cristine! Blue! Meg! Tetra!" Isa isa kong ibinanggit ang mga pangalan nila, hinhintay ang kanilang mga sagot, umaasang ligtas pa sila
"Andito pa po ako ate Paula" Magenta
"Ate Paula! Natatakot ako.." Blue
"Paula, ang mga bata!" Cristine
"Magcompress lang tayo!" Max
"Kayong mga bata! Huwag kayong lalayo!" Meg
"Paula! Ang dilim!" Tetra
At biglang nagbukas ang mga ilaw, lahat kami nakadikit sa isa't- isa, nakatingin sa isa't -isa, nakakapit ang mga kamay, at umaasang matatapos ang lahat ng ito
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...