Chapter 45

28 2 0
                                    


~~~~~~~~~

Chapter 45 ~ The Phenomenon's Trap

STEFFY

Phenomenon...

"Stay Close guys!" Pagpapalapit ko sa kanila sa isa't-isa

Alam kong maraming mga Psychotic ang nasa likod nitong mga hamog nito at kailangan naming maging handa upang wala nang madagdagan pang infected tulad ni Jerik

Nakapabilog kami na pwesto habang nakatutok ang mga armas sa ulong bahagi...

Maya maya lang ay nagsilabasan mula sa mga usok ang mga Psychotic, nag-uusok din ang mga ito at tila galing sa isang sunog

Nagpaputok ng baril sina Paula at Meg habang gumamit lamang kami nila Mas at Mahougany ng melee weapons

At maya maya din ay mga nasusunog at nag-aapoy naman na Psychotic ang lumitaw mula rito

Kahit na nasusunog na ang mga Psychotics, hindi parin napapatay ng sunog ang mga ito...

At sa patuloy na paglabas ng mga Psychotic mula sa hamog, lalong kumakapal ang hamog at lalong dumadami ang bilang ng Psychotic na lumalapit sa amin

"Watch over guys! Wag kayong lilingon patalikod, mag-focus kayo sa harapan ninyo" pagbibigay direksiyon ko sa kanila

Tatlong mga Psychotic ang papalapit sa akin, blanko ang mata, nangingitim ang mga ugat, ang may tumutulong dugo sa bibig na patuloy sa pag-agos...

Sinaksak ko sa ulo ang pinakamalapit na Psychotic sa akin gamit ang Combat Knife at tinadyakan upang matumba ang isa pang Psychotic

Sinaksak ko naman din sa ulo ang panghuling Psychotic at lumapit ako sa natumbang Psychotic upang saksakin ito sa ulo ngunit bigla niyang naabot ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya kaya ako naman ngayon ang napahiga at siya naman ang pumatong sa akin...

Kakagatin niya sana ang braso ko ngunit pilit kong tinutulak ang ulo nito upang maiwasan sng pagkainfected ko

Pilit ko lang tinutulak ang ulo nito gamit ang akin buong lakas at habang ang Psychotic naman ay tila nagbubukas-sara na ng bibig na tila parang kinakagat na niya ang braso ko

Nanghihina na ako, hindi parin siya tumitigil sa pagpilit na makagat ang aking braso

Habang nanghihina ako, lalo itong lumalakas, at pakiramdam ko ay makakagat na nga niya ata ako...

Ngunit hindi ako pwedeng sumuko, kapag tuluyan kong tanggalin ang lakas ko ay magiging isa narin ako sa kanila...

Kaya ginamit ko ang buong lakas ko at tinulak ng napakalakas ang ulo ng Psychotic hanggang sa makagawa na ako ng ingay na parang pag-iri dahil sa pagpilit kong mailabas ang natitira kong lakas

Nang biglang may sumaksak dito at doon ko na natigil ang pagpapagod ko...

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Meg

"*sigh*.... mukha.... ba.... akong.... ayos...?" Pagod na pagod at habol hininga kong sabi

Habang nakatitig sa akin si Meg ay bigla kong nakita ang papalapit na isa na namang Psychotic na Salamander, o yung Psychotic na parang nalulusaw na ang katawan dahil sa puno nitong langis at kemikal na kulay bahag-hari

"MEG!, WATCH OUT!!!" tinulak ko si Meg at nang magbuga ng makulay na kemikal ang Salamander ay agad akong pumatong kay Meg at natamaan ako sa Likod ko at hindi si Meg

Tumingin naman sa likod ko si Meg at binaril ang Salamader na Psychotic, alalang-alala siya sa akin matapos akong matamaan ng kemikal ng Salamander...

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon