~~~~~~~~~~~
Special Chapter - Your'e not the only person in this world
[Project X chapter 9]
Someone's POV
"*sigh* *sigh*" kasalukuyan akong tumatakbo sa isang village kung saan hinahabol kami ng mga nakakatakot na nilalang na kung tawagin naman ay URGOTS
Tumatalon ang mga ito, may mga kulay berdeng kumikidlat na likido, malalakas, at mga special identities ng isang tao at ibang nilalang ay may kakayahan nito
Mga 5 silang humahabol sa akin, may mga kasamahan din siyang tinatawag ng buong mundong Psychotics
Infected na ang buong mundong ito siguro mga 4 years from now..
Matagal na kaming naghihirap sa mundong ito, tanging buhay mo ang kapalit kung hindi ka kikilos. Kung gusto mo pang mabuhay rito sa mundo, kailangan mong maghirap
May mga lugar din kung saan may mga ligtas na pamayanan tulad ng Faith Corporation, Greenland, C.H.E.M.I.C.A.L corporation, St. Genevieve, at iba pa..
Pag-asa, kapayapaan, kabuhayan, at pamumuhay ang hangad ng tao
Gusto nilang tanggalin sa mundo ang mga nilalang na ito
Nakakainterisado di-hamak na ika'y malilinlang nila..
Kaya ka nilang gawing baliw tulad ng mga taong akala nila'y katulad pa rin nila ang mga kasapi nilang Infected na, inaalagaan nila ito, pinapakain, na parang tao pa rin ang turing nila sa kanila
Patakbo ako sa labasan ng Ospital na ito, dala-dala ang mga pangangailangan namin, mge medisina, health kits, alcohol, mineral water at kung anu-ano pa
Meron akong isang kagamitan na Camera sa likod upang makita ang nasa likod ko
Maya-maya ay naglabas ng kulay berdeng likido ang Urgot at pinatalsik papunta sa akin, inilagan ko ito at dumeretso sa aking motorsiklo
Nakalabas din ako sa lugar na iyon, dala-dala ang mga pangangailangan, at ako'y pauwi sa naturingang tirahan, ang Crixis High
Marami- rami kaming pumunta sa abandonadong iskwelahan na iyon at nilinis ang naroroon
Akala namin ay nalibot na namin ang buong lugar na iyon pero nang magpunta ang isa naming kaibigan doon, si Richie
Tanging sigaw ang aming narinig na agad naming pinuntahan upang malaman ang naroroon..
Ngunit huli na ang lahat, napatay namin ang Psychotic at nakitang nangingisay si Richie sa sahig, naliligo sa sariling dugo, may kagat siya sa kaniyang buong braso..
Lumuha kaming lahat at hindi namin pinayagang patayin din si Richie at sa ngayon ay pinag-aaralan ng aking kaibigang scientist sa Science Lab si Richie
Narating ko ang Crixis High,
May mga amoy ng bangkay na Psychotic rito sa range ng Crixis High upang hindi masugod o mapuntahan ng mga Psychotic ang lugar na ito, dahil kung hindi wala ang Crixis High na ito
Pinasok ko ang naturingang tirahan at sumalubong sa akin ang matalik kong kaibigan, si Jen o Jennifer
Sinilip niya at ininspeksiyon ang mga dala-dala ko mula sa Ospital
"Ayos! Kumpleto tara na!" Pinasunod niya ako hanggang sa third floor kung saan pinapagaling namin ang mga apektado ng Infection
Umuubo sila, nagluluha ng dugo, sumusuka ng dugo, nangingitim ang mga ugat, at kung anu-ano pang sintomas ng Infected ang nirereact nila
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
