Chapter 29

29 3 0
                                        

~~~~~~~~~~~~~

Chapter 29 ~ Will Cristine trust Yuki?

Nobody's POV [Author]

Greenland...

"Where's Miko?" Pagtanong ni Julie ng may paghahanap, si Miko ang taong nasa likod ng Somebody's POV

"I dont know who you are talking about? Who's that?" Pagtanong namn ni Winston kay Julie

"Yung kaninang huli na dapat nating iaakyat dito sa tangke!" Pagpapaliwanag ni Julie

"Ah" pag-alala ni Winston kay Miko, bigla namang napabulong si Winston "eh.. nasaan na kaya yun?"

Bigla namang bumaba si Winston at nagtawag ng kanoyang mga kasamahan

"Ikaw , ikaw , ikaw , ikaw ,ikaw, ikaw , ikaw, Julie at Mendez" agad namang bumaba sa tangke ang mga tinawag na pangalan ni Winston

Naglakad ang grupo sa wasak na lugar, mga bangkay, walang malay ng Psychotic, at mga bato bato ang nakapalibot dito

"Miko! Mikooo!" Pagtawag ng grupo, umaasang sasagot sa kanilang pagtawag si Miko

Ngunit walang nangyari, kaya pumasok na lamang ang grupo sa isang Bookstore ng Greenland na kung saan ito ay malapit sa kanilang lokasiyon at tangke

Naglakas loob ng agad pasukin ni Winston ang pinto nito

At hanggang sa isang tahimik na tunog ang aming nakasalubong dito, at sa likod ng counter ay ang bangkay ng tindera at ng isang Psychotic

Siguro ay naipasa ng carrier ang disease dito at sabay silang nabaril dahil napagkamalan silang carrier..

"Miko!!" Pagtawag ni Julie kay Miko, ngunit walang sumasagot dito..

Habang si Winston naman ay naghahanap ng clue na may kinalaman sa pagkawala ni Miko, ngunit wala rin itong nahanap kaya minabuti na lamang ng grupo na lamabas dito at magpahinga sa tabi ng gusali

"I'm so sorry" paghihingi ng tawad ni Winston, isang senyales na sumusuko ng sa paghahanap si Winston

Bigla namang napaluha si Julie "Bakit? Siya na lang ang kulang bakit hindi pa natin siya hanapin ngayon!" Pagpupumilit ni Julie

"Pero malaki ang Greenland, hindi naman pupwedeng mahanap natin siya ng agad-agaran!" Pagapapaliwanag ni Winston

Ngunit hindi umimik ang dalaga, naupo na lamang si Winston at pinatong ang ulo ni Julie sa kaniyang balikat

~~~~~~~~~~

*ARF ARF! ARF ARF!" kahol ng aso na nagpairita kay Mendez upang tumigil sa kaniyang ginagaw

Ang Sensoring, isang paraan ng mga monk kung saan pwede nilang makalap ang mga impormasiyon upang masunod si Miko

At sa kasong iyon, ay hindi ito natuloy dahil sa nakakabagabag na kahol ng aso

Naisip ni Mendez na gusto ng aso na sundan niya ito kaya walang ginawa si Mendez kundi sundin ito

Sabay napumunta ang aso sa isang direksiyon na lalong nagpa-interisadong bagay kay Mendez

Dumaan sila sa isang tagong eskinita na kung saan, may mga bakas ng mga dugo sa dingding na naging senyales na kinaladkad ang biktima dito

Natigil ang aso at saka tumingin kay Mendez, habang si Mendez naman ay gulat sa kaniyang nakita

Isang lagusan na kung saan posibleng lumabas dito sila Miko..

Papunta ang lagusan sa isang Parking Lot at ito ay malapit sa Samonte Road...

~~~~~~~~~~

Maya maya ay biglang dumating si Mendez, may bakas sa kaniyang mukha ng pagka-hindi kapaniwala

"Saan ka galing?" Pagpansin ni Winston kay Mendez

"You have to see this!" Pag-aya ni Mendez at agad nauna na itong pumunta sa kaniyang natagpuan

Napatingin naman si Winston ng may nagugulohang mukha, at agad na tumakbo ang grupo sa direksiyon ni Mendez

Hanggang sa marating nila ang nais ipahiwatig ni Mendez, nagulat ang grupo sa kanilang nakita, lalong lalo na si Julie

"Oh My GOD!" Napasambit ni Julie sa pagkagulat, as her tears falldown, pumunta si Julie sa guoid na parte ng lagusan

Dito ay may nakita siyang nakausling bakal at doon nakasabit ang panyo ni Miko

Niyakap ni Julie ang panyo at saka humagulgol ng iyak...

Walang nagawa ang grupo kundi bumalik at sumakay muli sa tangke...

Pabalik ang grupo sa T.H.E.S.I.S, at habang nasa biyahe ay hawak hawak ni Julie ang isang katibayan na dinagitng agila ang kaniyang kaibigang si Miko..

~~~~~~~~~

Cristine

T.H.E.S.I.S...

Umaandar pa ang nasabing elevator sa Hallway na aming pinanggalingan, kasabay ang kagrupo kong si Yuki

Papunta kami ngayon sa pangalwang palapag ng gusali, upang makapunta sa Black Box

Pero hindi ko na alam kung saang lugar kami ngayon napapadpad..

Hanggang sa , bumukas ang elevator at isang madilim na hallway ang bumungad sa amin

Tanging ang ilaw lang ng elevator ang lumiliwanag, at ang flashlight na nagbibigay gabay sa amin

Nagsimula kaming maglakad papunta dito, tahimik, at sadiyang nakakatakot..

At sa isang banda, isang pangalan ng hallway ang nagpabuhay ng aming isipan

BLACK BOX Hallway

Agad akong tumakbo, umaasang makakahabol pa kami sa iba pa naming mga kasama

"Cristine! Teka lang!" Pagtawag sakin ni Yuki ngunit hindi ako tumingin pabalik sa kaniya at nagpatuloy lamang sa aming pagtakbo

Hangang sa, makita ko ang nasa likod ng pintuan ng hallway, gulat na gulat ako sa aking nakita

Ang mga kasamahan namin, isa na silang malamig na bangkay, at may mga bakas sila ng maiitim at mapupulang likido sa katawan

'Anong nangyari?!'

'Bakit naging ganito?'

'Ano na ngayon? Kami na lang dalawa ang natitira ngayon?'

Napaupo na lamang ako sa isang tabi at natulala, napaisip ako ng sobrang lalim..

Paano na ngayon to? Parang gusto ko ng makatakas bago pa kami maging Psychotic

Bigla namang naglahad ng palad sa akin si Yuki na tila gusto akong tulungang makatayo

"Sorry, pero kailangan na nating makaalis dito!" Pagsagot ni Yuki

Ngunit hindi ako naglhad ng palad sa kaniya, at tumayo na lamang ako gamit ang puwersa ko

At nang makatayo ako ay kusa akong pumunta sa pinto ng Hallway at sumunod naman sa akin si Yuki

At nang buksan ko ang pinto ng Hallway, laking gulat ko ng makita ko iyon..

Si Gavin, nakatayo sa harap namin, nakaCross-Arms at tila hinihintay ang punta namin

>>>>> Project X <<<<<

VOTE COMMENT SHARE

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon