kasalukuyang nasa isang kwarto ako na aking pinagtataguan..
isang kwartong may isang ilaw lamang..
maliit ang espasyo nito at kulay white walls..
...
hanggang sa makarinig ako ng putukan..
hindi kaya Psychotic iyon o Survivor?
hinawakan ko ang knob ng pinto ngunit,dumaloy sa aking katawan ang takot ko sa mga Psychotic na aking nadatnan..
.....
iba ang mga kilos nila hindi normal na baliw ang gawain nila..
pumapatay sila ng tao ng walang-awa..
marahil lubhang mapanganib ang mga taong ito..
.....
Kiel...
o KL na lang kung short..
napadpad ako sa kulungang ito matapos kaming kunin ng mga taong naka-gas mask sa bahay namin
wala si mama,si papa,o ninuman..
kaya ako lang ang napadpad sa T.H.E.S.I.S..
kumalat ang balitang ang mga Psychotic daw ay sinasakop ang buong mundo dahil sa sakit
ang sakit na nanggaling sa V.I.R.U.S Corp.
dahil doon,naubos ang populasyon ng mga normal na tao
at dumadami naman ang populasyon ng mga Psychotic..
marahil,naipapasa nito ang sakit sa ibang tao at upang dumami ang mga lahi nila
....
dinala ako ng mga naka-gas mask sa isang bullet-proof na sasakyan ngunit pinipilit kong pumiglas sa kanila
kaya naman,tinurukan nila ako ng pampatulog upang hindi na muling pumiglas at maipadala ako sa T.H.E.S.I.S ng madalian..
....
ngunit nagising ako,sa isang tahimik na kwarto
naka-orange prisoners suit ako at nakaposas ang kamay
may isang nakapasong halaman sa gilid
may cr
may kama,ang aking hinihigaan
at ang isang nakakatakot na pinto
ang pintong ito ang nag-iisang kulay Pula sa kwartong ito..
....
tumayo ako sa kama at tumignin sa pulang pinto
napapataas ang balahibo ko dahil wala naman akong nakikitang nag-iibang kulay na pinto sa kulungan..
bumalik ako sa halaman at pumitas ng dahon,
doon ko'y pinanghawak sa knob ang dahon
ngunit napansin kong nakupas ang pulang kulay nito..
at nakita ang kulay puti na natatakpan ng pulang kulay sa pinto..
inamoy ko ito at sa hindi inaasahan,
isa itong bahid ng dugo..
natakot ako kaya binuksan ko ang pintong pula
at nakita ang isang straight na daan at ang dalawang pasplit na daanan nito sa dulo
nakakatakot lang dahil puti ang mga pintura nito..
dahan dahan kong nilakad ang daan at hanggang sa pinakagitnang bahagi nito ,
biglang nagflicker ang ilaw na naging sanhi ng aking pagkagulat at umupo at ilagay ang mga kamay ko sa aking batok
natigil ang pagflicker ng ilaw at nagsimula akong tumayo upang makapaglakad papunta sa daanang nakikita ko
napaluha ako dahil sa matinding takot na nararamdaman
tinuloy ko ang paglalakad hanggang sa mapadpad ko ang dalawang likong daanan nito...
hindi ko alam kung saan ako pupunta
ngunit pilit na sinasabi ng aking puso na lumiko ang aking katawan sa kanang daanan...
kaya niliko ko ang daanan sa kanan at dumeretso rito..
mukang pa "V" shape ang palikong daanan nito dahil sa makakita muli ako ng isang palikong daanan at doo'y nagtago ako at sinilip ang daanan papunta rito..
meron lang akong nakitang isang pintong malapit kaya agad akong tumakbo ng dahan dahan at dahan dahan ko ring ipinasok ang kwartong ito..
madilim kaya binuksan ko ang switch ng ilaw at makita na isa pala itong abandonadong kwarto
nilock ko ang knob ng pinto ng kwarto at nanatili muna sa kwarto
hanggang sa marinig ko na ang putukan...
binuksan ko ang pinto at sinilip ang maputing daanan nito..
parang mahina kong nadidinig ang mga yapak na papunta rito
napa-atras ako dahil baka ito ay Psychotic
ngunit...
may nakita akong babae..
nakabag at may baril
Posibleng survivor ito...
kaya naman nagmadali akong lumabas at humingi ng tulong sa kanya
ngunit,tila natatakot siya at walang tiwala sakin
"Teka!! Normal ako!! hindi ako Psychotic!!!"
"talaga?"sagot niya na tila parang nag-alala
"Eto oh"sabay na inabot niya ang isang health kit mula sa kanyang binti
"salamat.."abot ko sa hawak niyang health kit
pumasok muna kami sa isang kwartong aking tinuluyan at magpahinga sandali
umupo ako sa sahig ng likod ng pinto upang suportahan ito kung sakaling may papasok na Psychotic
"alam mo ba kung ano yung mga taong yun?"tanong sa akin ng babae
"hindi ko alam pero mga Psychotic sila na parang disease carrier"paliwanag ko sa kanya
"hindi ko na kayang mag-isa rito saka may troma na ako sa mga ganyang uri ng bagay" tumabi siya sakin ng upo
"ako rin" tapos inakbayan ko siya para madamayan ko siya habang natatakot
"ako nga pala si Steffy" bigla siyang nagtaas ng kamay at tila gustong makipag kapit-kamay
"Ako naman si Kiel o KL na lang para maigsi"
gumanti ako sa kanya ng pakikipag kamay at doon ko nakilala ang isang survivor sa T.H.E.S.I.S, ang nakakatakot na kulungang ito..
.
.
.
.
.
.
>>>>>Project X<<<<<
VOTE COMMENT SHARE
A/N:Well readers! (^ u ^) pina-igsi ko muna para exciting yung susunod na chappy :)
"SUNUGIN SI OTOR!!" >...< WUSHU!!
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
TerrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
