Nagbabalak ulit ako ng bagong story pagtapos ng H.E.X..
Naisip ko yung title ay HAZARD, ito na siguro yung first na magiging sequel nitong Psychotics na ito..
Grabehan na!!! Nang dahil sa nainspire ako dito sa gawa kong Psychotics ay mas napalawak pa ang aking kaisipan tungkol sa mga Zombies!!!
Thank you guys! At dahil doon nahilig ako sa Zombies XD LOL!
~~~~~~~~~~~
Chapter 36 ~ Crixis High
Kros
Crixis High...
Nakaraan noong isang araw nang ikwento ni KL ang tungkol sa paghahanap niya kay Steffy noong nasa T.H.E.S.I.S pa sila...
Nasa duyan ako ngayon hawak ang isang bulaklak na ipinitas ko lamang kung saan-saan...
Tinititigan ko lamang ito habang lumulutang ang aking kaisipan tungkol sa mga nangyayari kahapon
Nakarinig ako ng mga yapak ngunit hindi ko iyon pinansin...
"Hey!..." isang pamilyar na boses ng babae ang aking narinig
Umupo ito sa katabi kong duyan, nakangiti ito sa akin, si Myra...
"Ang tahimik mo ah!" Sabi ni Myra
Nakatitig parin ako sa bulaklak habang iniikot ikot ito ng aking mga daliri...
Huminga muna si Myra bago muling magsalita "Know what? Simula nang magkaroon ng apocalypse dito sa mundong ito, natuto na akong humawak ng baril" pagpapaliwanag ni Myra
"Dati kasi, syempre babae ako, Oo I admit, gustong gusto ko ang mga baril pagdating sa firing pero natatakot akong pumatay ng tao, na-aawa kasi ako sa kanila, I dont want to see anybody's hurting" dugtong pa ni Myra...
"Kahit naman ako, trabaho ko lang ang magligtas ng tao, hindi ang pumatay ng kapwa ko lalo na sa mundong ito" pagsagot ko ng malamig sa kaniya
Tinanggal ko isa-isa ang mga petals ng bulaklak habang patuloy parin sa pakikipag-usap sa akin si Myra
"Narealize mo ba yun? Yung ngayon sa mundong ito kaunting porsiyento na lamang ang 'PAG-ASA' " Patuloy parin sa pagpapaliwanag si Myra
"Kasi alam mo yun, yung kung dati kahit iniisip natin at dinadasal natin ang Pag-Asa kapag gumalaw tayo pwedeng mangyari iyon, pero kung ngayon na iniisip at dinadasal natin ang Pag-Asa ay parang hindi na iyon pwede pang mangyari..
Kasi isipin mo yun, yung Pag-Asang maililigtas tayo rito ng ibang corporation galing sa ibang bansa, hindi na iyon pwedeng mangyari kasi infected na silang lahat" pagpapaliwanag ni Myra
Tumingin naman ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa eskuwelahan ng Annex
"At kung tayo man ay Pag-Asa ng iba, hindi na rin tayo makakarating sa hiling nila dahil isa na tayong Infected" malamig at malungkot niyang ibinitaw ang kaniyang nga salita at pumunta na sa Annex
Magtatakip-silim na pala, sa ganitong oras kasi nagpapakain ang Crixis High ng kanilang mga tauhan...
Pinagmasdan ko muna ang kagandahan ng Sunset, hindi katulad dati nakulay Kahel, ngayon ay kulay Pula na...
Para sa akin, parang Sunset ang Pag-Asa, dahil minsan siyang lilitaw sayo at magbibigay liwanag ngunit bababa rin ito at mawawala...
Sumunod na ako papasok sa Annex, nagsimula nang magpalitan ng mga Security na nakabantay sa buong teritoryo nito upang makapagpahinga at makakain na ang mga kanina pang nakabantay.
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
TerrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...