Chapter 47

27 2 0
                                    


Sorry kung late update na naman :(((

~~~~~~~~

Chapter 47 ~ What will it takes the best

MEG

Crixis High...

Nasa kwarto ako ngayon habang binabasa ang 'Project X manual', gusto kong pag-aralan ang lahat ng mga bagay na nasa sitwasiyong ito.

Parang iniisip ko tuloy na parang gusto ko nang maging Scientist...

Habang binabasa ko ang history of the Virus, biglang may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto

"Bukas yan" sigaw ko

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking lagi kong kasa-kasama, si Mahougany

"Uy ikaw pala" wika ko

"Anong binabasa mo?" Nakangiti niyang tanong habang lumalakad papalapit sa akin at tiningnan ang title ng libro

'The Project X manual, since 2013-2014 Volume 2.3'

"Ah... bakit naman?" Tanong niya nang kumunot ang mga noo niya

"Wala lang, gusto ko kasi pag-aralan kung paano pagalingin ang mga Psychotic sa lalong madaling panahon" Pagpapaliwanag ko...

Natahimik lang siya pagkatapos, "Wala diyan ang tamang sagot, latest yan na gawa ni Dr. Agav puro katarantaduhan at kasinungalingan lang yan!" Walang emosiyon niyang sabi

Tiningnan ko lang ulit ang libro bago muling magsalita, ".... pero malay mo may makuha lang akong ibang impormasiyon dito" sagot ko

Ngumisi siya, "Tara na nga, lakad lang tayo" wika niya

Nilapag ko muna ang libro at saka na ako tumayo gayun din si Mahougany tapos inakbayan niya ako hanggang sa pagbaba..

Niyakap ko siya bandang beywang niya at ako naman ay akbay-akbay niya, para kaming magkasintahan na naglalakad pababa habang nagtutuwaan.

"Bakit mo ba ako inaya?" tanong ko at tumingin ako sa kaniya nang nakangiti

"Wala lang, namimiss na kasi kita" sagot niya at pinisil niya ang ilong ko

"Drama mo bwiset!!" At pinisil ko din ang ilong niya

Tawa lang kami ng tawa habang bumababa dahil sa pisilan namin ng ilong at halos pagtinginan na kami ng mga tao sa ginagawa namin.

"Di nga seryoso, bakit?" Tanong ko ulit sa kaniya

"Uhmm....     siguro... gusto ko lang libutin yung hardin ng Crixis" sagot niya

Natahimik na lang ako pagkatapos, wala na akong maisip na maitanong sa kaniya at wala na rin akong maisip na pwede naming pag-usapan

Siguro sa lagi naming pagkakasama naisabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin sa kaniya, except sa nararamdaman ko pero halata niya naman yun.

Pagkalabas namin ng eskwelahan, nasinag agad ako sa kahel na sinag ng Bukang Liwayway.

Maganda ang araw ngayon, pakiramdam ko parang bumalik lang sa dati ang lahat. Yung tipong lahat ng tao ay normal lang.

"OOOOYYYYEE!!" Bati sa amin ng hardinera, lagi lagi siyang bumabati ng ganiyan kapag umaga, parang piratang sumasagot sa kaniyang kapitan 'OOOYYEE!!'

"OOOOYYEE!!!" Sigaw niya sa hardinera sabay nagsenyas ng pagsaludo

Natawa naman ang hardinera gayun din ako...

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon