Chapter 56

28 2 0
                                    


~~~~~~~~~

Chapter 56 ~ Goodbye, T.H.E.S.I.S...

STEFFY

Nagpunta ako sa Rooftop upang tingnan ang T.H.E.S.I.S mula sa kalayuan, ngayon ang pangatlong araw na nakatakdang pasabugin ang T.H.E.S.I.S...

Malakas ang simoy ng hangin, ibig sabihin ay may paparating na sasakyang panghimpapawid

Hinahangin ang aking mga buhok kaya't kinuha ko ang tali ko sa bulsa at pinusod sa aking buhok

Maya-maya lang ay narinig ko ang paparating na Jet Planes at Helicopter ng FAITH, may mga logo sila ng pulang krus

Biglang nagbaba ng bomba ang mga jet planes na nagsanhi ng malaking pagsabog, nagdulat ito ng malaking nagliliyab na usok na parang hugis mushroom

Ang wave na galing sa pagsabog ay mabulis na kumalat sa paligid nito kaya natumba ako dahil sa malakas na hangin na dumaan sa akin

Nagsibagsakan ang mga puno, nagsiliparan ang mga ibon, at kumalat sa kalangitan ang mga samu't-saring uri ng dahon

Tumayo ako at muling sumilip sa direksiyon ng pagsabog, Wala na ang T.H.E.S.IS...

Kinuha ko ang papel na binigay sa akin ni Anastasia, pinunit-punit ko siya hanggang sa magpira-piraso sila at inihagis sila kasabay ng malakas na hangin

"Nandito ka pala" bulong ni KL, nagulat ako dahil nasa likod ko na pala siya

"KL, ang T.H.E.S.I.S..." tumingin ako sa kaniya

"Wala nang T.H.E.S.I.S na manggu-gulo pa sa atin..." bulong niyang sagot

Tumingin muli ako sa nasusunog na T.H.E.S.I.S, isa na siya ngayong nag-aabo at nagliliyab na gusali

Salamat, FAITH..

~~~~~~~~~~~

CRISOSTOMO

Nakatingin ako sa salamin, nakita ko ang pagsabog mula sa kalayuan...

Nagtataka ako dahil ano ang lugar na iyon na kanilang pinasabog? Galing siya sa Montenegro

Naisip kong sabihin iyon kay Festo kaya naglakad ako papunta sa kwarto niya ngunit pagbukas ko ng pinto ay wala siya, gayun din ang mga kwarto ng iba nilang kasama

Hinanao ko sila sa mga kwarto, sa Canteen, sa Storage Room at sa Meeting Room ng V.I.R.U.S ngunit wala sila

Ngunit nang nasa Meeting room ako, nakita kong bukas ang pinto ng balkonahe kaya naisio kong silipin kung anong mayroon doon at doon ko sila nakita lahat

Hawak ni Chen ang isang Binocular at tinitingnan niya ang lugar kung saan naganap ang pagsabog

"Faith Corporation successfuly bombs the entire T.H.E.S.I.S Territory, we are sorry for those people who didn't leave the T.H.E.S.I.S territorial. We are expecting people to come in to safezones for us to evacuate you to Faith Corporation. Thank you" sabi sa linya ng Radyo, (99.3)

"T.H.E.S.I.S pala ang sumabog" bulong ni Festo, hawak hawak niya ang mahabang tali na nakakonekta sa isang malapit na tapat na gusali ng V.I.R.U.S

"Festo, ano yan?" Pagtataka ko

"Its a message rope" sagot ng isang babae, "By the way, I'm Shaniah Milestone, you must be Crisostomo right?!" Pagpapakilala niya

Tumango lang ako bilang sagot, "Oh, I see.. This is Jesse Carbonell, isa siyang business man na natrap dito sa V.I.R.U.S" pagpapahiwatig niya, pinakilala niya ang blonde hair color ng lalaki na nakamohawk style na nakasideways, may mga balbas din na namumuo sa kaniyang jawline

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon