Chapter 53

20 2 0
                                    


~~~~~~~~

Chapter 53 ~ Celestial Introduction.

PAULA

"C-Celestial?" Napasambit ko, anong Celestial na pinagsasabi niya?

Napatingin ako kila Meg at Mahougany, nagtataka din sila kung saan nga ba ang sinasabi ng lalaki na Celestial?

"H-Hindi niyo ba alam kung saan ang Celestial?" Tanong ng lalaki, wala parin kaming alam sa sinasabi niyang lugar...

"Sa likod yun ng T.H.E.S.I.S, galing ba kayo ng T.H.E.S.I.S?" Dugtong niya pa

"Kami ni Meg, galing kami roon at ngayon lang namin narinig ang Celestial" Sagot ko naman

Hindi na nakasagot si Kristoff, kahina-hinala ang lalaking ito at sa lahat ng mga kilos niya ay kamisteryoso

"Bakit ka natahimik? May problema ba?" Tanong naman ni Meg, niyugyog niya si Kristoff para magising

"May kilala kasi akong taga-T.H.E.S.I.S din, ang pangalan niya ay Cristine at--" bigla ko siyang hinintuan ng sabi

"W-Wait! Si C-Cristine... alam mo ang kalagayan niya ngayon?" Tanong ko, nabuhayan ako sa sinabi niya

Anong pinagsasabi niya? Bakit nalipat ang usapan kay Cristine? Anong kinalaman ng Celestial kay Cristine?

"Mahabang istorya...." Malungkot na sabi ni Kristoff

Biglang nataranta si Mahougany, "Guys! Dapat kanina pa tayo umalis!" Sabi ni Mahougany

Binitbit namin ang mga nakuha ni Kristoff ng mga baril at paglabas namin ay nagulat kami sa aming nakita

Nagkalat ulit ang mga Psychotic, nawala ang malakas na tunog sa radiyo...

"Bakit tumigil ang tunog?" Kinakabahang tanong ni Meg, nasa isip niya na na wala ng paraan para makatakas ulit dito

"Naubos na ata yung energy" Sagot naman ni Kristoff

Nakita kong pinpisil ni Mahougany ang kaniyang kamao, naiinis siya dahil baka may kinalaman si Kristoff at naka-set up lamang ang lahat

Bigla namang hinampas ni Mahougany sa pader si Kristoff, "PINAGLOLOKO MA BA KAMI?! SPY KA ATA EH!" Galit na galit na sabi ni Mahougany at halos masakal na si Kristoff sa sobrang pagtulak ni Mahougany kay Kristoff sa pader

"Mahougany tama na!!" Inilayo naman ni Meg si Mahougany

Hawak hawak ni Kristoff ang leeg niya at ubo ng ubo, "Wala akong kinalaman.... dito.... naubos na... yung energy.... sa operator ng..... SAGALA...." hinihingal niyang sabi

"bwisit!" Narinig kong bulong ni Mahougany

Tiningnan lang namin ang mga gumagalang Psychotic, hindi nila kami napapansin at patuloy lang sila sa paghampas ng mga pintuan sa bawat store

"Paano tayo makakaalis dito kung 6-bullets na lang ang natitira sa akin?" Tanong ko

Niyakap muli ako ni Irene, "Ate Paula, natatakot na po ako..." mahinang niyang sabi

Niyakap ko din siya upang maibsan ang kaniyang takot, "Basta kumapit ka lang sa akin" bulong ko

"Gumawa ulit tayo ng tunog" Sagot naman ni Meg, napatingin naman kami kay Meg

Kumuha siya ng isang baril, pistol, sa bag na lalagyanan ng mga baril, "Wala naman silang mga bala diba?" Tanong ni Meg, ang tono ng kaniyang boses ay parang may plano siyang gawin.

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon