nagising ako sa isang kama at tiningnan ang aking sarili
nakasuot ako ng Prisoners suit na kulay orange at nakakadena ang kamay
tiningnan ko yung paligid kung nasaan ako naroroon
"maliit na kwarto??"
bagama't wala akong naaalalang pumunta ako sa isang malagim na kwartong ito..
ngunit pinipilit ko ang sarili kong alalahanin ang lahat..
.
.
.
.
.
.
Steffy...
isa akong empleyado sa kompanyang V.I.R.U.S corporation na kung saan ako ang nagka-counter para sa mga bumibisita sa kompanya
naging maayos naman ang pagtatrabaho ko sa kompanya at wala naman akong nasasagap na masasamang impormasyon tungkol sa kompanya
pero...
isang araw ng pumasok ako sa gusali ng kompanya upang magtrabaho..
naririnig ko sa mga umaalis ng gusali ang mga bali-balitang nag-imitate daw ng gamot ang kumpanyang V.I.R.U.S
upang ipakalat ang natatagong hinala ng kumpanya
ngunit hindi naman ako naniwala sa mga sabi-sabi ng mga taong iyon..
paninindigan ko ang pagtatrabahong to para makakuha ng pera para sa kinabukasan ko
ngunit hindi ko ito kinaya at natanggal muli sa aking trabaho dahil sa isang mamatay taong sinusubukan akong patayin
noong araw na iyon...
*Flashback*
lumapit sa akin ang isang lalaking naka-traffic enforcer ang dapat sanang magtatanong sakin tungkol sa pagbisita sa kumpanyang V.I.R.U.S
ngunit..
iba ang inaasahan ko nang biglang maglabas ito ng martilyo
doon ako'y nakaramdam ng takot at baka may masamang balak ang lalaking ito..
kaya umatras ako sa aking kinaroroonan ng kaunti upang hindi ako maabot
ngunit,
sumampa ito sa table at binuka ang bibig niyang punom-puno ng dugo na ibinungad niya sa akin
dahil doon natakot ako ng sobra sa kanya..
hindi siya normal na tao lamang...
isa siyang baliw na psychotic na ewan!!!
umatras ako ng mabilis ngunit napatigil ang katawan ko dahil naramdaman kong pader na ito
"LAGOT NA!!"
sinamphan ako ng lalaking baliw at inangat ang kamay nitong may hawak na martilyo
ngunit hinawakan ko ito at pinigilan ang braso niya dahil sa alam kong ipapanghahampas niya ito sakin
"ano bang nagawa ko sa kanya?"
"saka unang pagkakataon pa lang naming magtagpo!!"
sinubukan kong lumaban sa kanya at nagawa ko siyang patumbahin at kunin ang martilyong hawak nito
sa ngayon,wala akong inisip kundi ang kapakanan ng sarili ko upang mabuhay
SELF DEFFENCE
hinampas hampas ko ito sa muka hanggang sa mawalan ito ng malay
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HororA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
