~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 30 ~ Steffy and KL, and the Crixis High
Paula
Crixis High...
Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang gusaling matagal na naming inaasam-asam, ang Crixis High
Malinis ang lugar, at makikita ang mga taong nakatira rito na may suot suot na kulay asul na parang pang pasiyente
At ang mga prutas sa mga puno na kakahinog lamang..
At ang tahimik at maaliwalas na lugar, halatang nasa isa kaming mabuting lugar..
Maya maya ay umabante si Kros, "Steffy! KL!!" Pagsigaw ni Kros ngunit tahimik parin ang lugar
Tumingin naman sa amin ang mga tao, mukhang gulat na gulat sila sa amin...
"Steffy! KL! Nandito na kami!" Pagsigaw ni Myra
Bigla namang lumapit sa amin ang isa sa mga tauhan ng Crixis High, mukhang interisado ito sa amin..
"Sino po sila?" Pagtanong nito, mayroon itong I.D na nakapin sa kaniyang bulsa sa kaliwang dibdib nito, at Danica Montero ang pangalan na nakalagay dito..
"Galing po kaming T.H.E.S.I.S, ako po si Dr. Kros Divine!" Pagpapakilala ni Kros
"T.H.E.S.I.S? Kros?" Pagtanong nito ng pabulong at napaisip ito ng ilang segundo at "Ah! Teka! --- ... KL! Steffy! May bisita ka!" Pagtawag nito at mukhang mas malakas pa ang boses nito kaysa sa amin
"Sandali lang ha!? Baba rin sila hinatayin niyo lang" dugtong na paliwanag ni Danica
Sa aming paghihintay, Maya maya lang ay lumabas narin ang dalawa, at hindi kami makapaniwala sa aming nakita
Si KL at si Steffy, papunta sa amin na tila gulat na gulat sa kanilang nakita, isang tuwang abot hanggang tenga ang mukha ni Kros
Nagyakapan ang sila puwera sa amin, ni Meg, Max, at Mahogany, hindi pa namin sila nakikilala simula noong mapadpad kami sa grupo nila Kros
At sila Myra at Jerik naman, hindi rin sila nakipagyakapan kay Steffy, mukhang hindi rin nila ito nakilala, ngunit yumakap naman si KL sa kanila
"Steffy, KL, ang tagal simula noong hindi ko kayo makita! Alam niyo bang nakakamiss kayo at kayo pa yung una kong nakita sa T.H.E.S.I.S!" Pagpapaliwanag ni Kros habang umiiyak
"Ako rin, Kros!" Pagsagot ni Steffy
"So kayo pala yung Steffy at KL?" Pagtanong ko
"Oo kami nga" pagsagot ni Steffy "Ah! Kros, bago mong kasamahan?" Pagtanong ni Steffy kay Kros
"Oo, pinilit ko pa sila na hanapin ko kayo para maging kumpleto na tayo!" Pagsagot ni Kros
"Ah! Hehe... pasensiya na sa pag-abala namin sa inyo, pati kayo nadamay pa sa gulo namin" pag-hinging paumanhin ni Steffy
Hindi lang kami umimik lalo na at hindi namin sila kakilala, nakakahiya at baka mag mukha pa kaming 'Feeling Close'
"Ah! Siya nga pala! Pumasok muna kayo! Nagugutom ba kayo? Uminom muna kayo!" Pag-aya ni KL
Sumunod naman kami sa kanila at pumasok sa Crixis High...
Mukha naman silang mababait, pero mahirap makisama at unang kita palang namin..
At nang pasukin namin ang Crixis High, isang magandang kooperasiyon ng nga tao ang nagtatrabaho dito..
Mga Nurse na tumutulong alagaan ang mga matatanda o Senior Citizens, mga nagpapagamot ng mga Pasyente, mga Gurong nagtuturo sa mga bata, mga mapagbigay na tao, at maasikasong mga gawain
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...
