Hi Guys!!!
MaSpolier attack ako sa Profile ko, better check it out lalo na sa mga readers na hindi na makapaghintay for the next update, sorry guys, sobrang busy and tamad dahil sa month ng Ferbruary.
Pero malapit naman na bakasyon eh :) :)
I pramis, magpapaka-sipag na me :)
~~~~~~~~~
Chapter 43 ~ Leutenant's Revenge
MAX
Crixis High...
Makalipas ang dalawang araw ay nailipat na din kami sa Main Building...
Naging tahimik ang buhay namin dito, pero sa tuwing kumakagat ang dilim ay ungol at ingay ng mga Psychotic ang bumabagabag sa amin
At nakumpirma namin na galing iyon sa ManHole, kung saan nakakulong ang mga infected na mga tauhan ng Crixis High
Laging tuwing hating gabi sila nagsisimulang mag-ingay at maramin nang nabubulabog mula sa kanilang pagkakatulog kaya sinabi namin na papasukin namin ang ManHole ng mas maaga kung maari
~~~~~~~~~
Nanonood kami ngayon sa isang bintana kasama si Mahougany kung saan pinapanood namin ang mga pasyente na magpainting
Pinagmasdan ko ang mukha ni Mahougany na tuwang tuwa sa kaniyang mga pinanonood
"Matanong ko lang" pagsira ko ng katahimikan sa aming dalawa
Napatingin siya sakin, naging seryoso ang kaniyang mukha habang hinihintay ang susunod kong sasabihin
"May gusto ka ba kay Meg?" Pagtanong ko sa kaniya at tila hindi siya nakasagot
Bigla na lang siyang tumawa at bumaling ng kaniyang tingin sa mga pasyenteng nagpepainting
"Bakit mo naman natanong Pre?!" Tatawa-tawa niyang tanong
"Kasi halata ka na pre, yung akbay, yung dikit, yung ngiti, yung tawa.." Pagpapaliwanag ko sa kaniya
"Bakit? Ano bang gusto mong iparating?" Naging seryoso muli ang kanoysng mukha
"Kasi nagkagusto din ako sa kaniya" medyo humina na ang boses ko
Natahimik din siya, tulala, at parang nagulat sa aking nasabi...
"Pero kasi gusto ko lang sabihin na ingatan mo siya" tumingin na rin ako sa mga nagpepainting
"Gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon?" Malungkot niyang pagtanong
"Medyo..." matipid kong pagsagot
"Oo nga, halata naman na nagseselos ka na sa amin" sagot niya at naging malungkot na ang aming komunikasiyon
Natapos na ang mga Pasyente sa kanilang pagpepainting at muli uli kaming nagkuwentuhan
"Wag mo na lang siyang ihiwalay sa amin" pagpapakiusap ko sa kaniya
"Nakiusap ako kay Meg na hindi tayo maghihiwalay-hiwalay hanggang sa may magligtas sa atin" pagpapaliwanag niya
"Ayaw ko na kasi may mawalay sa amin, lalo na si Meg" medyo natatakot na ako ng isipin ko ulit iyon, at nadulas pa ako sa sinabi ko na dapat hindi ko na sinabi pa
"Bakit anong nangyari?" Tanong niya, nadulas nga ata ako
"Yung kapatid kasi niya, parang kailan lang na kasama namin siya tapos naging isa narin siya sa mga katulad nila, Psychotics" pagpapaliwanag ko
BINABASA MO ANG
Project X-(Psychotics Book 2)
HorrorA few days after V.I.R.U.S Corporation had spread the plague. Everything has changed, people were stealing foods and water supplies, killing psychotics, and finding a safe shelter However, Steffy, a prisoner from THESIS Corporation has no idea of w...