Chapter 10 - X part 1

84 3 1
                                    

~~~~~~~~~~~

Chapter 10 - The Findings Part 1

[X - Chapter part 1]

Mendez

P Block...

"Mendez! Sila KL! Hanapin natin sila please! Hanapin nat--" pauli't -ulit niyang pakiusap sakin

Wala naman akong karapatang magalit dahil naiintindihan ko ang kalagayan niya

"Oo, Oo Judith hahanapin natin sila pero kailangan pa natin ng maraming recruitements" pagpapaliwanag ko nang biglang mawala ang hibik niya

"Recruitements? Bakit? Magpapalakas ba tayo ha?! Magpapa--" medyo naiinis na ako sa kaniya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay bilang tanda ng pagkakairita ko sa kaniya

"JUDITH! WAG MO SIYANG PILITIN! HINDI MO SIYA KILALA NG HUSTO!!!" Sigaw na pagtahan ni Myra sa amin

"FINE!!" At naglakas ng loob itong lumabas ng block

"Judith!?!" Sinundan naman ng doktor si Judith

Nahihilo ako, hinawakan ko ang aking noo upang alalayan ang aking ulo

"Mendez" inalalayan ako ni Myra ngunit tinaboy ko siya..

Umakyat ako papunta sa aking kwarto nang nakahawak sa aking noo

'Kaya ayaw kong may bago kaming kasama, ang hirap kasi nilang pakisamahan'

I need more space...

~~~~~~~~~~~

Dr. Kros

Hallway...

"JUDITH!" Hinahabol ko si Judith sa hallway papunta sa P Block at nang biglang itong bumigay sa isang malapit na pader

"JUDITH!!!!" Tumakbo ako papunta sa kaniya at nakita ko siyang umiiyak, pinupukpok ang sahig gamit ang kaniyang kamao..

"Judith.." hinawakan ko ang kaniyang balikat ngunit tinataboy niya ito..

"Sana pala hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito kung alam kong ako yung Mali! MALI! MALI!!" Paghihinagpis niya habang sinusuntok ang kaniyang dibdib

"Judith--"  "Kros! Napapagod na ko! Gusto kong mapag-isa, gusto ko ng mamatay! Ayaw ko ng makipag- sabayan sa mga Tamang tao!"

"Hindi! Judith! Wag mong sabihin yan! Lahat tayo binigyan ng diyos ng sarili nating mga kaluluwa upang mabuhay!

Upang gawin ang mga misyon natin sa diyos at sa ating buhay! Kaya panindigan mo ang pamumuhay mo sa mundong ito dahil alam ng diyos na ikaw ang karapat- dapat na mabuhay sa mundong ito at gawin ang iyong mga misyon kaya magpasalamat ka sa diyos at may buhay ka pa!" Pagpapaliwanag ko

Ngunit hinawakan niya lang ang aking kamay at nag-iwan ng mga salita

"kung hindi mo ko kayang intindhin, LEAVE - ME - ALONE!" At bigla itong tumakbo na tila natatakot sa akin

At sa dulo ng aking pandinig ay naririnig ko parin ang kaniyang paghihinagpagpis

Bakit ko ba siya pinayagan maka-alis? Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya doon?

Pero kailangan ko muna siya intindihin sa ngayon..

~~~~~~~~~~~

Someone's POV

Galing kaming Crixis High at kami ang nautusang magscout upang maghanap ng mga survivors

Matagal ng may Contact ang Crixis High sa Faith Corporation..

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon