(50) Season 2

21 2 0
                                    


~~~~~~~~~

Chapter 50 ~ The Beginning Season 2

WINSTON

T.H.E.S.I.S...

Nagising na lamang ako ngunit wala parin ang aking pandinig dahil sa nangyari pagsabog...

Nakita ko na lamang na pinaliligiran na kami ng mga Psychotic kaya agad akong napatayo at hinanap ang aking mga kasama

Nasusunog na ang lugar na kinaroroonan namin, wasak na Frindos Camp at pati narin ang T.H.E.S.I.S

Ang isa pa nga ay tila nilalapa na ng Psychotic, nakahiga lang siya habang sumasabit na sa mga ngipin ng Psychotic ang kaniyang bituka

Sigaw lang siya ng sigaw ngunit tila wala namang nagliligtas sa kaniya at wala narin siyang pag-asang mabuhay pa dahil maaring kunalat na ang impeksiyon..

Nakakadiring pagmasdan kaya umiling na lamang ako at napahawak sa aking ulo dahil sa sakit at pagkahilo na aking naramdaman

Naglakad lakad lang ako at naglakad, hanggang sa makita ko si Mendez, gising siya at hawak ang Scythe niya

MIKO

Nagising ako at isang nakakasilaw na liwanag ang aking nakita...

Patay na ba ako? Bakit ang liwanag ng nakikita ko? Nasa langit na ba ako?

Mga tanong na paulit-ulit na gumugulo sa aking isipan, sinubukan kong tumayo at naramdaman ko ang sakit ng sugat sa aking tiyan

Nabaril nga pala ako ni Krystel, pinilit kong maglakad lakad at kumuha ng baril na pistol

Nakita ko ang T.H.E.S.I.S, nasusunog na ito at wasak na wasak na. Kapansinpansin din ang mga nangingitim na uling nito sa bintana maging ang mga pader at kisame

Ang mga puno at halaman ay nadamay din, nag-iba ang posisyon nila at nasusunog narin sila

Maya maya ay may Psychotic na lumapit sa akin kaya tinapatan ko siya ngunit naghihingalo na ako kaya natamaan ko lang siya sa bandang leeg

Natumba siya dahil sa malakas na impact, babarilin ko na sana siya ngunit nakaramdam ako ng konsensiya

Mas pinili ko na lamang na hayaan siyang mabuhay pa, sobra na ang aking mga nagawa. Sobra na ang mga kasamaan na aking nagawa

Naglalakad lakad lang ako habang patuloy sa paglusob sa akin ng mga Psychotic

Puro daplis lang ang aking natamaan, naghanap ako ng natitirang buhay pa rito hanggang may nakita akong di ko inaasahan

Nakita ko si Leutenant na may nakatusok na limang bakal sa kaniyang tiyan,binti at balikat

Umiiyak siya sa sobrang sakit na nararamdaman, ang kaniyang mga dugo ay patuloy sa pag-agos

"K-K-Krystel?" Mahinang tawag ko

Napatingin naman siya sa akin, "M-Miko, patawarin mo ko.... Iligtas mo ako rito" nangingiyak niyang sabi

Tinutok ko lang sa kaniya ang pistol at pinisil ang aking kamay, "But you dont deserve to live" sagot ko

"H-How dare y-you!" Galit at madiin niyang sabi at bigla ko na siya binaril sa kaniyang ulo

'It ends now.....'

Napalingon ako sa kaliwang direksiyon ko at nakita ang lalaking leader ng Frindos Camp at kaibigan ni Julie

Lumapit siya sa akin gayun din ako, pero nagulat na lamang siya ng bigla akong lumuhod sa harapan niya

Natapos na ang mga nagawa ko, natapos ko na ang mga dapat tapusin, at ngayon ay tanggap ko ng dapat akong mamatay ngayon din

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon