Chapter 26

29 3 0
                                    


~~~~~~~~~

Chapter 26 ~ Meet Meg's new couple

Meg

Sta. Anna Village of Charity...

Kasalukuyan kaming nasa biyahe habang si Paula ang nagdadrive...

Padiretsiyo na kami sa Train Station at saka dadaan sa kalye ng Judex Street, kung saan kami ay tatawod dito at pupunta ng Aquarius

Medyo uuga-uga lang ang aming sinasakyan dahil sa nadadaanan nitong riles at bato bato..

Nag-iwan na din kami ng sulat sa simbahan kung sakaling hanapin nila ang T.H.E.S.I.S

"Buti pa si Paula may litrato pa sa pamilya niya" Ako, at nagsimula na ang aming usapan

"Sus! Ako nga kahit ano wala eh!" Pagsagot ni Myra

"Eh pasalamat nga kayo eh buhay pa yung pamilya niyo!" Pagsingit ni Kros

Nagtaka naman kami at tumitig sa kaniya kung bakit niya iyon nasabi..

"Bakit?" Iterisadong tanong ko

"Naging Psychotic din kasi yung pamilya ko, kamag-anak ko, at tanging ako na lang talaga ang natira noon" pagpapaliwanag ni Kros

"Condolence" pakikiramay ko

"Siya nga pala! Pagtapos nating pumunta ng Crixis High, maglalakbay din ba tayo?" Pagtanong ni Myra

"Oo ,siguro?" Pagsagot ni Kros...

"Sana sa Dorsonia" rinig kong bulong ni Myra

"Bakit naman sa Dorsonia mo gusto?" Pagtanong ko kay Myra at halatang  halatang nagulat siya sa akin

"Kasi... may nagsabi sa akin na nandoon daw sila mama" pagsagot ni Myra at nagtaka ako

"Ha? Eh sino nanan nagsabi?" Pagtanong ko

"May tumawag sakin nung nasa Armenia pa tayo..

Habang hindi mo pa kami pinapaimpaki ng mga gamit namin nung papaalis na tayo sa bahay,

~FLASHBACK~

Hinahanap ko yung bag ko nun ng oras na iyon..

Pero sa sobrang dami ng mga binitbit namin ay hindi ko na nakita yung bag ko kaya,

"Oh? Myra! Anong hinahalungkat mo diyan?" At doon na ako tinulungan ni Max

"Hinahanap ko yung phone ko, 'di ko kasi makita yung bag ko" pagpapaliwanag ko

"Halika! Tulungan na kita!" Pagsambit ni Max at saka na niya ako tinulungan..

Halungkat dito, halungkat doon, at sa wakas, nahanap na rin namin ang hinahanap ko..

Nagsimula akong mag-unzip at hanapin yung pjone sa bag ko nang mahuli ko si Max na naghahalungkat din ng bag

"Oh? Ikaw din?" Tanong ko

"Oo eh! Ah! Ito na pala!" At sabay na ipinakita sa akin ni Max ang kaniyang bag

Naghanap din ito sa loob ng kaniyang bag at doon ay may narinig akong isang tunog ng salamin at dali-dali akong napatingin doon

Isang picture frame ng pamilya ni Paula..

"Oh? Bakit nasa iyo yan?" Interisado kong tanong

"Ewan ko!" Pagsagot ni Max, kinuha niya ang frame at bumaba

Narinig ko naman ang usapan ng dalawa nang biglang magring ang phone ko

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon