Chapter 35

30 3 0
                                        


~~~~~~~~~~

Chapter 35 ~ When they come to an over...

Crisostomo

Samonte Road...

Mahigit 4 na oras na rin kaming nasa biyahe, sa bawat madadaanan kasi namin ay may madadaanan kaming mga obstacle o mga harang kaya pahinto hinto kami sa paglalakbay.

Medyo malapit na kami sa pinapapuntang lugar ng grupo nila Meg, ang T.H.E.S.I.S...

At sa habang napapadaan at natatanaw na namin ang gusaling T.H.E.S.I.S, sari-saring mga flashbacks ang nagsisimulang magkuwento sa aking isip.

~~~~~~~~~~~

>FLASHBACK<

Isang nakalipas ang kusang tumatakbo sa aking isipan...

Matagal na akong naninilbihan sa ospital ng Sta. Rosa Holy Hospital

Ito ang ospital na pangkaraniwan, may libreng pampagamot, at paminsan minsang ginagawang evacuation center.

Tumutulong ako sa mga kapwa ko hindi dahil sa nakasanayan ko namin ito ng aming pamilya, kundi gusto ko talagang maging Doktor paglaki...

Doon ko rin nakita ang aking kasintahan, si Jernie, anak ng pinsan ng aming kagawad...

Nang magpacheck-up ang nanay niya, ako muna ang naglingkod kay Jernie.

Pumunta kami noon sa isang Rooftop, hindi pa kami close pero ang sabi ko lang ay doon kami sa Rooftop mag-usap para mas tahimik at mas maganda ang aming convo.

Tuwang tuwa siya sa kaniyang nakita, mga naglalakihang mga gusali, mga makukulay na ulap, sariwang hangin, at ang natatanaw na syudad ng maynila

"Ang ganda naman dito!" Tuwang tuwang siya sa kaniyang nakikita

"Kaya nga kita dinala rito" sagot ko

Pumunta siya sa isang sulok kung saan matatanaw ang syudad ng maynila na may nag-gagandahang mga gusali

"Ang ganda ng mga buildings doon! Ang sarap idrawing" sabi niya ng may pagkakaliwanag ng mga mata

Bigla akong napa-isip sa kaniyang sinabi "So gusto mo palang maging architect?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata

Lumingon muna ito bago sumagot "Oo ,ikaw naman?" Tanong nito habang binibitiw ang kaniyang matatamis na ngiti sa akin

"Gusto kong maging Doktor" sagot ko sa kaniya

"Ah! Kaya pala nagtatrabaho ka na dito?" Interisadong pagtanong niya

"Oo!?" Medyo nagtatanong na sagot ko

Tumingin ito sa malayo, ang buhok nitong sumasayaw sa hangin, ang mga daliri nitong tinanggal ang mga pintura sa pader, at ang labi niyang tuyo't na tuyot.

Ang ganda niya, simple lang pero parang kapag nakilala mo siya doon mo makikita yung lahat ng pagkatao niya na napakasaya.

"So ano palang pangalan mo?" Tanong nito na tila nahihiya

Pinakita ko sa kaniya yung I.D ko dito sa ospital "Crisostomo Hernaez" sagot ko sa kaniya

"Ako naman si Jernie Abrenica" pagpapakilala nito sa akin sabay bitiwng kaniyang matamis na ngiti

Bumalik ang tingin namin sa syudad ng Maynila, nabalot ng katahimikan ang aming paligid

"Sa tingin mo magagamot pa kaya ang cancer ng nanay ko" tanong niya sa akin ng may pagkaka-alinlangan.

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon