Chapter 39

20 2 0
                                    


~~~~~~~~~~~

Chapter 39 ~ The Phenomenon

PAULA

Crixis High

"What? Wait siya yung leader?" Naguguluhan kong tanong

"Oo, ayaw niya kasing sabihin kasi...--" biglang naputol ang sasabihin ni Kros nang bigla akong hawakan ni EJ sa aking braso ng mahigpit

"Tara pag-usapan natin to!" Hinatak ako ni EJ malayo sa kanila, sa labas ng Crixis High

"Oy Teka! Masakit!" Nagpupumiglas ako pero malakas siya, tila nag-iba ang weird na EJ at naging seryosong EJ na nakakatakot.

Bigla siyang huminto at sa wakas ay binitawan na niya ang braso...

"Ano bang problema mo?" Pagsambit ko at bigla kong tinakpan ang aking bibig.

Oo nga pala, nakalimutan ko siya nga pala ang Leader ng Crixis High at hindi ko dapat siya pinagsasalitaan ng kung anu-ano at sa halip ay galangin ko siya dahil sa pagliligtas niya sa amin dito.

"Narinig mo na yung sinabi nila, okay na bang makilala mo ako bilang Leader dito?" Malamig niyang pagtanong

"Pero, kasi kung sinabi mo sa akin na ikaw pala yung Leader dito eh sana hindi kita pinagsabihan ng kung anu-ano" pagpapaliwanag ko

Bigla niya akong inawakan sa magkabila kong balikat, "Okay lang! I deserved naman na mapagsabihan ng ganun" pilit na ngiti niya sa akin

Sa mga ngiti niya palang, nagmumukha siyang mabait at walang problema at kahit halata itong pilit, mukhang komportable parin siya sa sitwasyon ngayon..

Pero bakit ganun? Ngayong nakarating na kami rito sa Crixis High ay nag-iba siya, hindi na siya umaarte ng weird, umaarte na siya bulang isang teenager.

Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari ngayon, naguguluhan ako sa kaniya, Gulong-gulo

"I tell you some stories" Sagot ni EJ at pinasunod niya ako sa parking lot ng eskwelahan

~~~~~~~~~

"Alam mo ba kung bakit kita dinala doon sa mga lugar na pinuntahan natin kanina?" Tanong sa akin ni EJ habang kinakain namin ang Donut na kinuha namin sa SAGALA

"Hindi, bakit nga ba?" Pagsagot ko at kumagat ako muli sa Donut

"Kasi bago ako maging leader ng Crixis High--"

~~~~~~~~~

>FLASHBACK<

Nang pumasok ang apocalypse sa Pilipinas, nanatili ako magdamag sa Crixis High, ang eskwelahan ko.

Ano naman ang worth kung lamabas pa ako sa Crixis High at humanap ng mga makakatulong sa akin eh puro infected narin naman ang naroroon kaya nanatili na lang ako dito

Noong mga panahong iyon, inisip ko na lang ang sarili ko, hindi ko inisip na balikan ang mga magulang ko dahil malay ko bang hindi pa sila nagiging infected?

Saka kung hindi pa sila infected, maari nila akong ihatid dito pero hanggang ngayon ay hindi parin nila ako mahatid hatid

Namuhay akong mag-isa, ginawang tahanan ang eskwelahan na ito...

Sa bawat bawat na nakakatagpo o nakakapatay ako ng mga Psychotic ay inilalagay ko sila sa labas ng gate

Para sa anong rason? Upang manatili ang mga amoy nila roon at hindi na muling pasukin iyon ng mga Psychotic

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon