Chapter 37

34 3 0
                                        

(July 17, 2015) Hey Guys! Kung mapapansin nyo na notify to, binago ko lang po ang name ni EJ, don't worry dahil surname lang yung binago ko af hindi iyon naapektuhan sa story ko.

Bakit ko binago? Masyado kasing personal... [Private]

~~~~~~~~~~~

Chapter 37 ~ The Leader

Paula

Crixis High [Annex]

Nakahiga ako ngayon sa isang banig, nasa Room 305 kami, hanggang ngayon ay hindi parin namin nakikilala kung sino ang leader ng Crixis High...

Yung tungkol kahapon, yung ManHole...

Parang gusto kong pasukin iyon at iligtas ang Scientist roon.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at lumabas muna panandalian upang pagmasdan pa ang buong eskwelahan.

Malaki rin ito pero mas malaki ang building ng Elementary Department, siguro ay mas maraming level at sections ang naririto

Naglakad lakad lang ako sa Hallway habang ipinagmamasdan ang bawat laman ng bawat rooms

Balot ng kurtina, karton, banig, at panabong ang bawat bintana nito...

Nadaanan ko naman ang staircase, kaya umakyat ako sa Rooftop ng Eskuwelahan at nakita ang isang Gymnasium, may nakalagay dito na Happy 15th' Foundation Day

May mga confetti  na nakakalat sa buing gymnasium at mga upuan na hinayaaan na lamang gulo-gulo ang mga puwesto nito

Dumungaw ako sa isang open area na kung saan para itong bintana na may harang ng Grills...

Tanaw na tanaw rito ang kabuuan ng sakop ng Crixis High...

Mga malalaking bukirin na may sari saring mga ektarya, mga puno ng Pine Trees na bumabalot sa paligid ng eskwelahan, at ang tila Crixis High.

"Ang ganda no?" Isang boses ng lalaki ang gumulat sa akin

"AAAACCKK!!!" Halos mapasigaw kong gulat

Bigla niya akong hinawakan sa magkaparehong balikat, nilapit niya ang muka niya sa akin at tinitigan niya ako sa aking mga mata

Kulay Asul ang kaniyang mga mata, paborito kong kulay ng mata...

At napansin ko sa kaniya na may pagkaweird siya.

"O.A naman neto!" Panglalait niya, nanlalait naman talaga siya

"Grabe ka naman makapagsalita!" Binitiwan ko yung mga kamag niyang nakakapit sa aking balikat

"Totoo naman eh!" Pang-aasar pa niya

Muli ko namang binaling ang tingin ko sa bintana, sinusubukan kong umiwas sa kaniyang mga tingin

"Ikaw yung kaibigan ni Steffy diba?" Pagtatanong niya

"Kaibigan ako ng kaibigan niya" pagsagot ko at medyo naguluhan siya

"To make this simple, kaibigan ko sila Dr. Kros at kaibigan naman niya si Steffy" pagdugtong ko

"Okay. Medyo naguluhan lang ako sa una mong sinabi kanina" sagot niya at tumingin na rin siya sa bintana

Mga ilang minuti kaming napaligiran ng katahimikan, "May ipapakita ako sayo" parang nag-aayang sabi niya

Sumunod ako sa kaniya sa pagbaba naman dito sa Annex, di ko alam kung bakit kusang sumunod itong katawan ko sa kaniya pero parang may nagpupuwersa na lang sa akin na sumunod sa kaniya

Project X-(Psychotics Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon