Coincidence ba na nakita niya noon sa basement si Makki para magkaroon siya ng chance na hingin ang tulong nito ngayon? Coincidence rin ba na naging potential bride siya ng kapatid nito para magkaroon ito ng chance na anakan siya? Literal na hindi matahimik ang utak ni Yvienne. Coincidence and chance is a pair which come and go, no one can avoid nor anticipate.
Galing ng Infirmaria ay hindi muna siya umuwi sa bahay nila sa Yala. Kahit gusto niyang komprontahin ang ama tungkol sa pagkakatanggal niya sa posisyon bilang CEO ng BRi. Alam niyang wala pa siyang sapat na katuwiran at matatalo lamang siya kung ipipilit niyang makipagdebate.
She went to the location where the Serafin mansion has been situated before. The house was not there anymore. It was transformed into a laboratory of artillery and ammunition. The building is known for its name: Reapers' Guild.
Pero kahit nag-iba na ang hitsura ng lugar, naalala pa rin niya ang eksaktong structure ng bahay nina Makki roon. Lalo pa at hindi tinanggal at isinama sa renovations ang fountain at malamang maging ang basement na pinagtataguan noon ni Makki.
The old fountain was still elegant and proud with its sophisticated vintage touch. It was one tiered design, sporting an alpine stone, infuses texture and charm into the entire space of the lawn.
Lagpas kalahating oras din siyang nakatayo roon tanaw ang fountain bago niya naisipang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. Sinubukan niyang magpahinga pagkauwi pero pilit sumisiksik sa kanyang utak ang BRi at ang nakakainis na alok sa kanya ni Makki. Wala na ba talagang ibang paraan? Kailangan ba niyang kumapit na lang sa patalim?
"Ma'am, ready na po ang flight n'yo patungong Malawi. Bukas po ng alas-diyes," balita ng agent mula sa travel agency.
"Thank you," aniya at nilapag ang cellphone sa sidetable. Tinusok niya sa tinidor ang nilagang patatas at kinagat, habang sinisilip ang itinerary sa kanyang organizer.
Abala siya sa pag-iimpake para sa biyahe niya bukas nang pumasok ang tawag ni Makki. She ignored it. Naiirita pa rin siya sa lalaki. Pero makulit ito. Halos mapaos na ang cellphone niya sa katutunog.
"I'm busy!" pasikmat niyang sagot.
"Pupunta ng Yala si Raxiine, huwag ka munang umuwi roon."
Umurong ang inis niya. Tinawagan siya nito para balaan? "May biyahe ako bukas, out of the country. Pero salamat sa pag-inform."
Kailan ba kasi pipili ng bride ang prinsepe? Baka sa dami ng pagpipilian ay nalilito na. Tumirik ang mga mata niya at napailing.
"Diyosa, nakikinig ka ba?"
"Oo, bakit?" Naupo siya sa may paanan ng kama.
"I'll get you pregnant," at namatay ang signal.
Nagpanting na naman ang mga tainga niya at sumirko ang inis sa kanyang ulo. Those Andromida men are despicable fools!
***
Makki shifted on his seat at the distant row of the chairs in the conference room. He clocked in early in their regular meeting today. Kanina pa siya inaantok dahil sa mga ilaw. Gusto na niyang gumapang sa ilalim ng desk at maidlip pero nakamasid sa kanya si Vladimir.Tatlo mula sa Commanders' Guild ang naroon, sina Athrun, Vladimir at Vhendice. Mula sa Specialist ay kasama niya sina Rayven, Sheruh, Raynd, Kreed at Leih. Yamraiha is out on a mission.
"We will add some figures to the total capital outlay," Sheruh raised the proposal. Ito ang nakapako sa harap para sa presentation ng annual investment plan nila. Umiikot ang discussion sa inventory at supplemental budget ng Reapers' Guild.
"How about your maintennance and operating expenses?" tanong ni Athrun.
"We will utilize the remaining intelligence funds, Chairman."