Balik normal na ang uranium count sa huling urine sample ni Yvienne na isinalang ni Makki sa test. Infirmaria laboratory and Skai confirmed the traces of the cavity bomb was completely gone. The results of three samples matched including his own. Now, he can concentrate on neutralizing the toxin in his blood and proceed with operation spit-break, for the remaining hostile groups of 14K.
Linggo pa lang mula nang maiuwi niya ang asawa rito sa La Salvacion. Sakto ring nakabawi na ito ng sapat na lakas. Hindi pa sila bumisita ng Yala. Wala ang mga magulang nito at nasa Ragenei. Gusto niyang pormal na hingin ang kamay nito para mapakasalan ito ulit dito sa Pilipinas bago siya haharap sa council upang magpaliwanag at tanggihan ang marriage negotiations.
He pulled his loose pants up and left his muscle shirt hanging on his right shoulder. Pinunasan niya sa mas maliit na towel ang buhok na basa pa mula sa shower. Palabas na siya ng kuwarto niya nang marinig niya ang malditang boses ni Yvienne. Pagsilip niya sa awang ng pintuan ay bumulaga sa kanya ang asawang may hawak na shotgun at nakaumang iyon sa mga kapatid niya.
"Ano'ng balak ninyong gawin? Saan ninyo dadalhin ang asawa ko? Narinig kong paparusahan siya ng vasectomy dahil pinakasalan niya ako nang walang pahintulot ng council. Pero wala akong pakialam sa batas na mayroon kayo. Subukan ninyong hawakan si Makki at ipuputok ko 'to at nang kayo ang unang makakapon. Mag-aanak pa kami ng dalawang dosena, narinig n'yo?" Ikinasa nito ang mahabang baril.
Umurong ang mga kapatid niya. Vladimir, Vhendice, Ramses at Rajive. Nabasa niya ang mabilis na pagdaan ng lambong ng takot sa mga mata ng mga ito. Gusto na niyang humagalpak ng tawa. Dapat lang matakot ang mga ito. Lahat ng babaeng dinala nila sa pamilya ay matitindi ang kalibre. No doubt his wife is one of them with the same level of feminine savagery.
"Did your husband told you that kind of funny stuff?" Nagsalita si Vladimir at natuon sa kanya ang matatalim na paningin ng mga kapatid.
"No, he did not. I just happened to overheard Jrex and Alexial talking about it." Pagtatanggol ni Yvienne sa kanya.
He shrugged and pretended being innocent. Lumapit siya sa asawa at kunwari ay nagtago sa likod nito kasabay ng malokong ngisi. Pero agad niyang ipinormal ang mukha nang lingunin siya ni Yvienne.
"Okay ka lang ba? Doon ka lang sa kuwarto, ako na ang bahala sa kanila."
"Okay," maamo siyang tumango at naglakad pabalik sa loob ng kuwarto. Bago pumasok ay kinindatan niya ang mga kapatid. Sa tindi ng paggalaw ng mga panga ng bawat isa sa mga ito'y baka nagsipaglagasan na ang mga bagang.
"Makki?" tawag ng asawa.
Naudlot ang pagpasok niya ng pintuan. Nilingon niya ang asawa. "Hm?"
"Four times six, dalawang dosena, di ba?"
Awang ang bibig siyang tumango. Hindi agad niya nakuha pero nang mag-sink in sa kanyang tinutukoy nito ang pagkakaroon nila ng mga anak ay hindi na niya naawat ang pagsabog ng halakhak.
"I'll get you pregnant, diyosa! Million times."
Ngumiti ng matamis ang babae. "Get me pregnant, Mikael!"
Hindi na maipinta ang mukha ng mga kapatid niya. Humakbang na siya pero muling nahinto dahil sa umalingawngaw na halakhak ni Athrun na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Is the chairman there all along? Nakinig lamang siguro ito ng tahimik.
"I'm having a good time with this kind of commotion here, Makki." He paved his way closer, eyes are locked on the woman in his territory.
***
Natulos sa kinatatayuan si Yvienne. Nandito ang chairman? Bakit hindi niya ito napansin na pumasok ng unit? O, baka dumating ito kanina nang kunin niya ang shotgun. Hindi niya malaman kung ibababa ang baril o ipagpapatuloy ang nasimulan niyang krusada para ipaglaban ang mga binhi ni Makki na nakatakdang maubos.