Chapter 28

1.7K 88 4
                                    

The moon above rises on its peak like a white and cold lantern in its perfect form. No clouds. Only the vast carpet of stars scattering within their bounds and shooting each other's intense heat, as if guarding the space skyline. Sa gitna ng malamlam na ambon ng liwanag ay sumabog ang matalim na ilaw ng sasakyan mula sa lagusan ng underwater tunnel at lumitaw ang Bugatti tank ni Makki. Itinataboy ng ungol niyon ang mga bugso ng mga insektong paikot-ikot sa poste.

He is with Leihnard and behind them are loads of heavy firearms. Tonight, they're going to take down one of the sub-headquarters of 14K in Singapore.
Eighty percent pa lamang ang impormasyon na nakuha niya tungkol sa kabuuang lakas mayroon ang grupo. Pero sapat na iyon upang pilayan ang base ng mga ito rito sa bansa. They have reinforcement class on standby in the neighboring countries but it would take sometime to get here.

He checked the scanner. Few more miles away but their satellites gave him the calculation of entities moving around the target location. Leihnard bent sideward from the steering wheel, looking at the scanner as well.

"Over 50?" tanong nitong mabilis na nabilang ang pulang icons na aandap-andap sa screen ng bitbit niyang tablet. Those represent the enemy according to the scanner legend.

"I'll go north and east, southwest is yours."

"Copy," tinadyakan ni Leihnard ang brakes at huminto ang sasakyan sa border ng perimeter.

Up ahead is a dead zone road before the expensive and classy bar, a camoufalge of the headquarters looming underground. Tanaw niya sa gamit na binoculars ang aktibidad sa labas ng bar at karatig na establishment. Napag-aralan na niya ang apat na emergency exit na maaring tatakbuhan ng grupo kung magkakagipitan na.

Saglit niyang binawi ang paningin at sinulyapan si Leihnard, the Phantom of Nephilims. Wearing a bullet proof black tight suit, getting ready with the two customised Bagh Nakh daggers. The intimidating blade featuring tiger claws for close combat. With Phantom's hands, those weapons are screaming for blood. Kahit siya ay hindi gugustuhing hamunin ang mga sandatang iyon lalo na ang mga kamay na may hawak dito.

Umikot siya sa likod ng tanke at kinuha ang mga armas. "Leihnard," hinagis niya sa kapatid ang isa.
Laser guided Machine gun, upgraded and able to eat the needle bombs he invented. Masusubukan niya ngayon ang galing ng mala-karayom na mga bombang nilikha niya.

Lumapit ito sa kanya at dinampot ang bagpack. Matapos siyasatin ang laman at ang reserbang hand guns ay kanya-kanya na silang pasan niyon sa likuran.

"Ready to roll?" he signaled and raised a knuckle.

"Let's go kick some ass." Binangga ni Leihnard ng kamao ang nakakuyom niyang kamay.

They jogged half a mile from their starting point and then both took off at their top speed parting ways. Si Leihnard ay patimog at kanluran habang siya ay deretso lang. As planned they will launch an attack from the deepest bottom of the base. Tinalon niya ang isa sa mga emergency exit. Sinalo siya ng hagdanang bakal pababa at lumapag sa pavement sa gilid ng drainage.

Segundos lang at nakondisyon na niya ang paningin sa dilim. Kalamado siyang naglakad patungo sa looban, alertong nagmamatyag sa kaluskos sa mga sulok. Sinapit niya ang isa pang konkretong hagdanan. Ayon sa mapa, iyon na ang maghahatid sa kanya sa pinagtataguan ng armada ng mga kaaway.

Kasabay ng paglapat ng mga paa niya sa huling baitang ang parating na hampas ng baril sa kanyang batok. Nasangga niya sa kaliwang kamay. Piniga. Kasunod ang slice jab sa lalamunan. Sumirko siya pataas, angkla ang kanang kamay sa balikat ng lalaki at lumapag sa likuran bihag ng kanang braso ang leeg nito. Pinihit niya ang ulo nito at binitawang bali ang leeg.

Hinablot niya ang machine gun na pasan sa likod at sinalubong ang mga parating na kaaway. Bawat needle bomb na pinakawalan niya ay pinasasabog ang katawang tinatamaan. Six down in a row. Kumalat ang alingasaw ng dugo sa silyadong lugar na iyon.

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon