Chapter 23

1.7K 95 18
                                    

Isinandal ni Yvienne ang ulo sa headrest at pumikit. Tama lang ang bilis ng takbo ng sasakyan na minamaneho ni Makki. Hindi naman rough road ang binaybay nilang kalsada pababa sa paanan ng Sentinel mansion pero pakiramdam niya ay umaalog ang kanyang sikmura.

Paggising pa lang niya kanina ay wala na sa mood ang katawan niya. Pabugso-bugso ang kirot sa kanyang ulo at ang pagkahilo niya. May mga sandaling inakala niya ay nilalagnat siya. Pero kailangan niyang bumangon at magkunwaring masigla. Nakapangako siya kay Amayya na ipapasyal ito sa isla nang araw na iyon.

Perhaps she was just too tired. The past week was challenging for them but she has to endure. Three more days and Amayya's pre-treatment will be over. Pwede na nila itong ipagkatiwala sa pangangalaga ng Infirmaria at o-obserbahan doon.

Kung dati ay matinding panginginig ng katawan ang gumigising dito kasabay ng panic attack ngayon naman ay biglang bumaliktad. Apat na sunud-sunod na madaling araw na umaatake ang mental paralysis nito dahil pa rin sa presensya ng druga sa katawan nito. Hindi ito makakilos at may nakikita itong babaeng nakabigti sa kisame.

Komunsulta sila sa doctor nito at bawal na pilitin nitong igalaw ang katawan habang nasa ganoong estado ang utak nito. Posible kasing tumigil sa pagtibok ang puso nito. Kailangang hintayin na muli nitong mabawi ang kontrol sa sarili at doon lang nila maaring gawin ang intervention.
Sinasamahan niya ito sa extreme excercises upang makalabas ang pawis nito. Nagsilbing coping mechanism iyon para makaya nitong labanan ang masamang epekto ng cravings nito sa drugs kung saan nakadepende ang sistema nito hanggang sa kasalukuyan.

"I can see that you survived with this mental paralysis in the past by taking the drugs," Makki's brazen voice made a light pass through her eardrums.

Kausap ng asawa niya si Amayya na nakaupo sa backseat. Laman ng diskusyon ng mga ito ang mental paralysis ng babae. Hindi siya sumali sa usapan at nakinig lang habang sinusulit ang oras para makapagpahinga. Duda rin siya kung kaya niyang magsalita nang hindi naduduwal. Kanina pa umaasim ang sikmura niya at umaakyat sa kanyang lalamunan.

"I don't have options back then," sagot ni Amayya. "And no one told me that extreme exercises can help reduced the fits of hallucinations."

Hindi katulad niya ang babae na babad sa ehersisyo pero kahit nahihirapan ito sa ginagawa nila'y buong tapang nitong kinakaya. Hindi niya ito narinig na umangal sukdulang malagutan pa ito ng hininga.

"Do you think I can get over with this mental paralysis?" tanong nito kay Makki.

"Do not ask, you must get over it." Nanghihikayat na pahayag ng lalaki. "No one can change a bad past but everyone has a chance to choose a better future. You are not an exception, Amayya."

"Um, yeah...I know. At least for now I have some tricks I can do to help myself."

"And you fought hard already, there is nothing for you to look back in the past. All you gonna do now is keep moving forward and get yourself back together." Nadama niyang banayad na dumantay ang haplos ni Makki sa kanyang pisngi pababa sa leeg niya.

"Is she sleeping?" tanong muli ni Amayya. "She must be exhausted from what we did."

"I'm sure she is," sagot ng asawa niya.

"I haven't told you how I ended up as a whore."

"Doesn't matter, Amayya."

"It does because it was the biggest mistake I did in my life. You're wife taught me things that I should've done instead of chasing a wrong path. Sana naging broad ang pananaw ko noon."

"Being wrong is scary but it is part of living conditions. Making mistake is normal. Do not justify because it is normal to make mistake. What is not normal is to repeat doing the same mistake again and again."

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon