Nakadama si Yvienne ng kaunting sundot ng konsensya habang pabalik sila ni Makki sa hotel na tinutuluyan nila. Hindi makahirit ng honeymoon ang lalaki dahil parehas silang naghahabol ng flight. Ito ay pauwi ng Pilipinas at siya naman ay papunta sa sunod niyang destinasyon para sa kanyang tourist vlogs. Tuluyan na nga na napurnada ang camping plan niya at ang quadruplet na ipinunta roon ni Makki. Pati kasiyahan doon sa Chewa village ay hindi na nila natapos pa.
"I will catch up with you in two days," anitong kinabig siya pagdating nila sa lobby ng hotel at hinagkan siya sa sentido.
Uuwi ito para sa emergency meeting na ipinatawag ng council. Sumilip siya sa kanina sa updates mula roon at mukhang ilalatag na rin ang listahan ng potential brides ni Makki. Ayos lang kaya na ito lang ang pupunta para humarap sa konseho? Pero kahit sumama pa siya, ano naman ang maitutulong niya kung siya mismo na nakatali sa marriage negotiation ay panay ang takas?
"Makki, hihintayin kita. Ibibigay ko sa iyo ang exact location ko sa Zavala."
"I will be there, diyosa..." pangako nito at doon na sila naghiwalay papunta sa kani-kanilang suite.
Pero hindi siya mapakali pagdating niya sa kanyang room. Paano kung hindi makasunod sa kanya si Makki? Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang lalaki. Nakailang subok pa siya bago ito sumagot.
"Pasensya ka na, kausap ko si Gab kanina. May problema ba?" tanong nito.
Kabadong naupo siya sa kama at pinagkiskis ang mga paa sa isa't isa. "Your flight is within three hours?" she asked back.
"Yes, why?"
"Kaya mo naman sigurong pumunta sa airport sa loob ng isang oras. Gusto ko nang gawin ang quadruplet na pinagyayabang mo," matapang niyang pahayag.
Iisipin na lamang niyang isa ito sa mga extreme sports na kailangan niyang pagdaanan. Kung tutuusin, kapag nabuntis nga siya ay automatic nang madi-disqualify siya bilang potential bride ni Raxiine.
"I can be at the airport in thirty minutes," Makki"s voice from the other end went husky.
"Okay," tango niya at ibinaba ang tawag.
Kumaripas siya patungo sa loob ng banyo at sumaglit ng shower. Para siyang baliw na nag-iisip at nakukulta ang utak kung paano nga ba nila gagawin ang quadruplet. May particular bang paraan para roon o magbabakasakali lang sila? Okay lang naman sa kanya kung kambal lang o kaya ay kahit isa lang muna. Halos mangisay na siya sa itinakbo ng kanyang imahinasyon. Hindi siya makapaniwalang dumating siya sa puntong ito. Pero wala na rin siyang balak umatras pa.
Palabas siya ng banyo nang mag-door bell si Makki. Tinungo niya ang pinto at binuksan. Dark itches of lust lit up from his eyes. Her nerves took the alarm and pull the terror out of her. Natutukso siyang tumakbo pero nag-ugat sa sahig ang mga paa niya.
"Pasok ka," halos magbuhol pa ang kanyang dila dahil sa nerbiyos.
Pumasok ang lalaki nang hindi kumukurap sa pagkakatitig sa kanya at nang akmang pipihit siya ay hinapit nito ang kanyang baywang kasabay ng pagkabihag ng labi niya sa mapangahas nitong halik.
Nanlaki ang mga mata niya at pumiglas siya dahil sa pagkabigla. "Wait!" Umurong siya palayo. "Let me breathe first, oh my God! Is this how you do it? Para ka namang lobo na biglang nananakmal."
Natuliro siya. Hindi niya akalaing ganito kahirap i-kondisyon ang utak niya sa gagawin nila. Sasabog na yata ang puso niya at ang mga kalamnan niya ay nagpupulso. Lumakad-lakad siya sa harap ng lalaki sabay inhale at exhale. Naaaliw na pinagmasdan siya ni Makki habang dinidilaan nito ang ibabang labi.
"We can start slow. Ikaw na ang magsabi kung saan mo gustong magsimula. I can put you in the mood," he proposed, gesturing the bed.
Tumango siya at nagtungo sa kama habang kinakalas ang pagkakabuhol ng sintas ng bathrobe na kanyang suot. Sumunod sa kanya si Makki at niyakap siya mula sa likod. Halos tumalsik ang kaluluwa niya nang lumapat sa kanyang batok ang dila nito at gumapang pababa sa kanyang balikat. Para siyang sinakal ng kuryente.
